Balita

Pinay nawawala sa Taiwan quake, 4 patay

- May ulat ni Roy C. Mabasa

HUALIEN, Taiwan (Reuters) – Sinusuyod kahapon ng rescuers ang mga gumuhong gusali, para hanapin ang 145 kataong nawawala matapos ang magnitude 6.4 na lindol malapit sa sikat na Taiwanese tourist city ng Hualien nitong Martes ng gabi.

May apat katao ang namatay at 225 ang nasugatan sa lindol na tumama malapit sa coastal city ilang sandali bago maghatingg­abi ng Martes, sinabi ng mga opisyal. Ang huling numero mula sa datos ng gobyerno ay nagpapakit­a na 145 katao ang nawawala.

Marami kanila ay pinaniniwa­laang nakulong sa loob ng mga gusali, kabilang sa isang military hospital, matapos tumama ang lindol halos 22 kilometro sa hilagang silangan ng Hualien sa east coast ng Taiwan.

Kabilang sa mga nasugatan ang Japanese, Czech at mainland Chinese nationals.

Ang Hualien ay tahanan ng halos 100,000 katao. Ang mga kalsada nito ay sinira ng lindol, at halos 40,000 kabahayan ang nawalan ng tubig at 1,900 ang walang kuryente. Nauga ang pundasyon ng ilang gusali na humilig sa 40-degree angle.

PINAY NAWAWALA

Samantala, kinumpirma ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) kahapon na isang Filipina caretaker ang nawawala matapos ang 6.4 magnitude na lindo sa Hualien.

Sinabi ni MECO Chair Lito Banayo na nagpadala na sila ng grupo sa pamumuno ni labor attaché Cesar Chaves na kasalukuya­ng nasa Hualien para personal na alamin ang kalagayan ng mga Pilipino na nagtatraba­ho sa lugar.

“Initial onsite report is that there’s a Filipina caretaker missing in one of the buildings there,” sinabi ni Banayo sa panayam sa telebisyon kahapon ng umaga.

Idinagdag niya na inaalam na rin nila sa mga ospital sa lugar kung mayroong Pilipino.

“So far wala namang namatay,” sinabi ng MECO chief. Ang MECO ay ang ‘de facto’ embassy ng Pilipinas sa Taiwan.

Tinatayang mayroong halos 150,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa Taiwan, karamihan ay nagtatraba­ho sa mga pabrika at bilang mga kasambahay.

 ?? TYRONE SIU ?? BAKA BUMAGSAK Nakabantay ang isang opisyal ng pulisya sa labas ng nasirang gusali matapos ang lindol sa Hualien, Taiwan, kahapon.
TYRONE SIU BAKA BUMAGSAK Nakabantay ang isang opisyal ng pulisya sa labas ng nasirang gusali matapos ang lindol sa Hualien, Taiwan, kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines