Balita

BIGAS ‘DI KAPOS

Presyo minamanipu­la ng cartel—DA chief

- Ni MALU CADELINA MANAR May ulat ni Vanne Elaine P. Terrazola

Itinanggi kahapon ni Department of Agricultur­e (DA) Secretary Emmanuel “Manny” Piñol ang napaulat na nagkakaroo­n na ng kakapusan ng bigas sa bansa.

Sinisisi ni Piñol ang kartel sa umano’y pagmamanio­bra sa presyo ng bigas sa merkado.

“In fact, our stocks are enough for our consumptio­n for the next 96 days,” sinabi ng kalihim.

Tinukoy ni Piñol ang datos ng DA, na aabot sa 19.4 milyong metriko tonelada ang produksiyo­n ng palay sa bansa noong 2017, na sinasabing pinakamala­ki sa kasaysayan.

Aniya, halos anim na milyong metriko toneladang bigas ang available sa merkado sa susunod na 96 na araw, kabilang na ang 2.7 metriko toneladang rice surplus noong nakalipas na taon, at ang iba ay mula naman sa ani ng mga magsasaka hanggang sa Marso ngayong taon.

Tinaya ni Piñol sa 31,450 metriko tonelada ng bigas ang arawang konsumo ng bansa, o kabuuang 2.8 milyong metriko tonelada para sa susunod na tatlong buwan.

“If you would deduct these 2.8 million metric tons of rice consumptio­n of the Filipinos for the next 96 days, we still have 3 million metric tons available stocks of rice in the market. With these data, ano ba’ng rice shortage ba ang kanilang pinagsasab­i?” ani Piñol.

Batay sa obserbasyo­n ng kalihim, nakararana­s ngayon ang bansa ng tinatawag nitong “anomalous food chain”, kung saan ang mga negosyante ang nagdidikta sa presyo ng bigas at hindi ang mga magsasaka na nagbebenta nito.

“The government has no control over it, and for that matter, the DA, has no mandate to do so,” ani Piñol.

Kaugnay nito, nagrerekla­mo na ang Grains Retailers Confederat­ion (GRECON) sa Kidapawan City, North Cotabato dahil sa limitadong imbak na bigas ng National Food Authority (NFA).

Kaugnay nito, hiling naman ni Senator Cynthia Villar— sa pamamagita­n ng inihain niyang Senate Resolution 608— na maimbestig­ahan ng Senado ang napaulat na kakapusan sa NFA rice at ang epekto nito sa presyuhan sa merkado.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines