Balita

Naanod sa Isabela, R79- M cocaine pala!

- Ni LIEZLE BASA IÑIGO

CAMP MELCHOR A. ADDURU, Tuguegarao City - Positibong cocaine ang ilegal na droga na natagpuan sa coastal area ng Barangay Dipudo sa Divilacan, Isabela, nitong Lunes ng hapon.

Inilabas ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA)-Region 2 ang kanilang pahayag matapos kumpirmahi­n ng chemist ng Regional Crime Laboratory Office (RCLO)-2 na cocaine ang nasamsam na 18,842.1 gramo ng droga.

Ayon naman kay Chief Supt. Jose Mario Espino, director ng Police Regional Office (PRO)-2, posibleng magkaugnay ang insidenten­g ito sa pagkakadis­kubre rin ng P120 milyon halaga ng cocaine sa Bgy. Calintaan sa Matnog, Sorsogon, nitong Enero 5, 2018.

Ito, aniya, ay dahil sa pagkakatul­ad ng paglalaraw­an at markings ng parehong kontraband­o.

Naniniwala rin si Espino na naanod at napadpad lamang ang kontraband­o sa Isabela, at hindi sadyang ipapasok sa bansa. “Ito ang kauna-unahang pagkakatao­ng may narekober na cocaine sa Isabela. Malaki ang paniniwala ko na ang nasabing kontraband­o ay hindi para sa ating bansa, dahil wala namang pagawaan at chemical para sa paggawa ng cocaine dito. Kaya maaaring naanod lamang ito at hindi na nabawi pa ng mga sindikaton­g nagtangkan­g ipuslit ito sa pamamagita­n ng ating karagatan,” paliwanag ni Espino.

Sinabi naman ni Divilacan Police chief, Senior Insp. Jonathan Ramos na may mga lumot at tinubuan na ng talaba ang container na pinaglagya­n ng droga, nang ito ay matagpuan ng mga residente.

Kaugnay nito, inalerto na ang pulisya, hindi lamang sa nasabing bayan, kundi pati na rin sa iba pang coastal area sa Isabela, kaugnay ng posibilida­d na sa karagatan nagpupusli­t ng mga kontraband­o ang mga sindikato.

 ??  ?? POSITIVE! Positibo ang resulta ng pagsusuri ng Philippine Drug Enforcemen­t AgencyRegi­on 2 sa ilegal na droga na nadiskubre sa loob ng container na naanod sa dalampasig­an ng Bgy. Dipudo, Divilacan, Isabela nitong Lunes. Kumpirmado­ng cocaine ang 18,842 gramo ng natagpuang droga, na aabot sa P79 milyon ang halaga, na iprinisint­a sa media nitong Martes ng gabi.
POSITIVE! Positibo ang resulta ng pagsusuri ng Philippine Drug Enforcemen­t AgencyRegi­on 2 sa ilegal na droga na nadiskubre sa loob ng container na naanod sa dalampasig­an ng Bgy. Dipudo, Divilacan, Isabela nitong Lunes. Kumpirmado­ng cocaine ang 18,842 gramo ng natagpuang droga, na aabot sa P79 milyon ang halaga, na iprinisint­a sa media nitong Martes ng gabi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines