Balita

Erich, sikat ang ‘stage mother’

- –Reggee Bonoan

BAGO kami dumalo sa mediacon ng The Blood Sisters ni Erich Gonzales ay nakatsikah­an namin si Kris Aquino sa pagbubukas ng bagong Chowking outlet niya sa Araneta Avenue corner Quezon Avenue nitong Lunes.

Nalaman ni Kris na dadalo kami sa mediacon ni Erich at ikinuwento niya na nagkausap sila ng dalaga na umaming kabado sa bago nitong serye kasi nga Wildflower ni Maja Salvador na napakataas ng ratings ang papalitan nito.

Pressured nga naman si Erich, pero pinayuhan siya ng kanyang overprotec­tive na Ate Kris na huwag matakot at magtiwala sa sarili.

“Sabi ko kay Erich, huwag siyang matakot, ‘ tapos sa presscon mo, sabi ko, sumagot siya. Di ba kasi tahimik siya? Hindi siya masyadong matsika kasi kabado. O kaya tatawa na lang,” kuwento ni Kris.

Sa intimate interview kay Erich, ikinuwento rin niya na lagi silang nag-uusap ng Ate Kris niya at sinabi pang ‘stage mother’ niya ang Queen of Online World at Social Media.

“We keep in touch. She checks on me, like, sabi niya, ‘Grabe, stage mother ako.’ May mga reminders siya sa akin today, ‘ Stop giggling, okay?’

“Sabi ko, ‘Ate, parang ano, mahirap ‘yan, kasi parang ‘ yan na talaga ako.’ ‘ Stop giggling, dapat serious ka, para serious actress.’ Sabi ko, ‘Alam na nila ‘yan wala tayong itinatago, mahirap magpanggap.’”

At kahit na laging masama ang pakiramdam ni Kris dahil overworked ay hindi raw nito nakakalimu­tang kumustahin si Erich tulad ng, “‘Are you getting enough rest?’ ganyan siya. Super sweet. Talagang nandiyan lang siya lagi to support me in everything that I do,” kuwento ng dalaga.

Paano nagsimula ang friendship nila ni Kris Aquino?

“Siguro ‘ yung pagiging authentic lang talaga. I mean, hindi naman namin pinu- force ‘ yung mga bagay para magmukhang ano (pilit), mag-pretend tayo na we’re close. Talagang I genuinely care for her kids si Kuya ( Joshua), kay

Bimbs to the point na kahit wala siya sa house, I go and visit them, di ba?

“Kumbaga, just to let them know nandito si Ate, di ba? Spend lang time with them. Talagang through good times and bad times, we’re just there for each other,” kuwento ni Erich.

Ibinilin ni Kris sina Josh at Bimby kay Erich habang nasa shooting siya ng horror movie na ipalalabas sa iflix at ididirek ni Adolf Alix.

Sabi ni Kris noong nakatsikah­an namin siya sa bahay niya pagkatapos ng Siargao block screening, “Sinabi ko kay Erich na dalawin niya ang two boys habang wala ako, though malapit naman ang mga sisters ko dito sa bahay. Wala lang, just to check them.”

Ganito kalalim ang friendship nina Kris at Erich.

 ??  ??
 ?? Erich ??
Erich

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines