Balita

3 hepe na tumotoma, tulog sa duty, sibak!

- Ni FER TABOY May ulat ni Martin A. Sadongdong

Kaagad na sinibak sa puwesto ang tatlong hepe ng pulisya at ilang tauhan ng Southern Police District (SPD) matapos maaktuhang nagiinuman at natutulog sa duty, sa sopresang pagbisita ni National Capital Region Police Office ( NCRPO) Regional Director Oscar Albayalde sa mga presinto sa Muntinlupa City at Pasay City kahapon.

Awtomatiko­ng iniutos ni NCRPO Director Oscar Albayalde ang pagsibak sa puwesto kina Senior Insp. Mark Oyad, hepe ng Sucat Police Community Precinct ( PCP- 4) ng Muntinlupa City; Senior Insp. Ferdinend Duren, hepe ng Maricaban Police (PCP-8) ng Pasay City; at Senior Insp. John Glenn Siguan, hepe ng Malibay Police ( PCP- 7) ng Pasay City Police.

Nakunsumi at nagalit si Albayalde nang madatnang nakikipag- iinuman si Oyad sa tauhang si PO2 Michael del Monte, dahil nagdiriwan­g umano ng birthday ang isa sa kanila.

Pagpasok sa presinto, naabutan pa umano ni Albayalde na hindi nakasuot ng uniporme at natutulog sina PO1 George Guay at PO1 Joceline Montero. Kaagad na sinibak ang apat.

Naaktuhan din ni Albayalde na natutulog si Duren at ilan nitong tauhan, na naalimpung­atan pa umano sa sorpresang inspeksiyo­n.

Ayon sa NCRPO chief, ang PCP- 8 ng Pasay ang pinakainir­ereklamong istasyon ng pulisya sa Metro Manila.

“Alam mo ba na kayo ang pinakamara­ming text complaint? Bakit kayo nagre-relax dito?” galit na sita ni Albayalde kay Duren.

Tulog din nang nadatnan ni Albayalde si Siguan at ilang operatiba nito.

Sa kabuuan, ipinag- utos ni Albayalde kay SPD director, Chief Supt. Tomas Apolinario Jr. ang agarang pagsibak sa nasa 40 tauhan ng tatlong presinto dahil sa pag-iinuman at pagtulog sa duty.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines