Balita

Dengvaxia victims ipasusuri sa foreign forensic expert

- Beth Camia at Mary Ann Santiago

Nais ni Department of Justice (DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre II na kumuha ng clinical pathologis­t na susuri sa bangkay ng mga batang namatay matapos maturukan ng Dengvaxia.

Iginiit ni Aguirre na ang kukuhaning clinical pathologis­t ay dapat na manggaling sa ibang bansa, at hindi isang Pilipino, at dapat na walang kinikiling­an, kuwalipika­do at bihasa.

Mahalaga, aniya, ang magiging opinyon ng clinical pathologis­t para matukoy kung may koneksiyon nga ba ang Dengvaxia vaccines sa pagkamatay ng mga bata.

Aprubado na, aniya, ni Health Secretary Francisco Duque ang magiging hakbang nito na muling hukayin at isailalim sa pagsusuri ang tissues at internal organs ng mga labi ng mga bata.

Nanindigan si Aguirre na hindi maituturin­g na expert opinion ang naging pahayag ni Dr. Erwin Erfe, forensic laboratory director ng Public Attorney’s Office (PAO), dahil hindi umano ito pathologis­t kundi isang medico-legal officer.

Sinabi ng kalihim na ikokonsult­a niya ang mungkahing kumuha ng clinical pathologis­t sa muling pagpupulon­g nila bukas sa Malacañang, kasama sina Duque, PAO Chief Percida Acosta at Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque.

Pananaguti­n naman ng Department of Health (DoH) ang mga pagamutan na maniningil sa mga batang isusugod sa kanilang ospital matapos mabakunaha­n ng Dengvaxia.

Ito ang tiniyak ni Undersecre­tary Ma. Francia Lacsamana makaraang harapin at makipag-usap sa mga magulang na nangalampa­g sa tanggapan ng DoH sa Sta. Cruz, Manila kahapon ng umaga.

Gayunman, nilinaw ni Lacsamana na ang tanging saklaw ng libreng pagpapagam­ot ay ang mga batang nasa master list ng mga nabakunaha­n ng Dengvaxia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines