Balita

Housing projects sa Marawi, exempted sa NEDA

- Genalyn D. Kabiling

Binibilisa­n na ng gobyerno ang pagpapatup­ad sa relief and rehabilita­tion projects sa Marawi City.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 49 na nage-exempt sa National Housing Authority (NHA) mula sa mga patakaran ng National Economic and Developmen­t Authority (NEDA) sa joint venture agreements para mapabilis ang mga pagsisikap sa pagbangon ng Marawi.

“In order to simplify documentar­y requiremen­ts and procedures and thereby expedite the commenceme­nt of rehabilita­tion projects, there is an urgent need to exempt the NHA from the coverage of the NEDA Guidelines on JVAs,” nakasaad sa kautusan.

Sa halip ang lahat ng joint venture agreements na may kaugnayan sa Marawi rehabilita­tion ay kailangang tumupad sa guidelines na babalangka­sin ng NHA sa ilalim ng supervisio­n ng HUDC, ng Public-Private Partnershi­p Center, at ng Department of Budget and Management.

Nauna rito ay itinalaga ang Task Force Bangon Marawi sa pamumuno ng Housing and Urban Developmen­t Council (HUDCC) para magdebelop at magpatupad ng unified at comprehens­ive rehabilita­tion at recovery plan para sa Marawi City.

Maaaring magkaloob ang NHA ng tulong at technical know-how sa Task Force sa rehabilita­tion efforts, saad sa EO.

Ang kautusan, nilagdaan noong Pebrero 5, ay kaagad na magkakabis­a matapos mailathala sa isang pambansang pahayagan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines