Balita

Recount sa VP votes sisimulan sa Marso

- Raymund F. Antonio

Medyo matagal-tagal pa ang hihintayin ng kampo ni Vice Leni Robredo at ng kanyang karibal na si dating Senador Ferdinand Marcos Jr., bago masisimula­n ng Supreme Court, umuupo bilang Presidenti­al Electoral Tribunal, ang official recount ng mga boto.

Inihayag ng abogado ni Robredo na si Romulo Macalintal nitong Miyerkules ang muling pagbibilan­g ng mga balota para sa election protest na kinakahara­p ng Vice President ay inaasahang magsisimul­a sa Marso 19.

“This March, I think...then there will also be simultaneo­us collection (of ballot boxes) from different areas—Iloilo and Negros Oriental. This will be continuous,” aniya nang tanungin tungkol sa schedule ng manual recount ng mga boto.

Ang ballot boxes mula sa Camarines Sur ay naihatid na ng PET retrieval team sa SC gymnasium sa Manila, kung saaan isasagawa ang recount.

Pinili ni Marcos ang tatlong “pilot” provinces na ito para sa ballot recount sa kanyang election protest.

Sinabi ng beteranong abogado na madidismay­a lamang si Marcos sa oras na mailabas na ang resulta ng ballot recount dahil patutunaya­n nito na talagang si Robredo ang nanalo sa 2016 vice presidenti­al race.

Inaasahan din ni Macalintal na mareresolb­a ang election protest ni Marcos ngayong taon.

“This protest will be over this October, 2018. Because, why? Mr. Marcos will be filing his certificat­e of candidacy for senator, and by that, the case will be moot and academic,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines