Balita

R7- M cash, alahas natangay sa doktora

- Mary Ann Santiago

Sinisiyasa­t ng awtoridad kung biktima ng Dugo-Dugo gang o pinagnakaw­an ng sariling kasambahay ang isang doktora, na natangayan ng halos P7 milyon halaga ng pera at alahas sa loob ng kanyang bahay sa Pasig City, nitong Martes ng hapon.

Nakadetine at iniimbesti­gahan ng awtoridad ang itinuturon­g suspek na si Shelamy Layno, nasa hustong gulang, at kasambahay ng 57-anyos na doktorang ayaw magpabangg­it ng pangalan, at taga-Barangay Pineda.

Sa imbestigas­yon ni SPO1 Rodelio Olalia, ng Pasig City Police, dakong 4: 30 ng hapon nang madiskubre ng biktima na nadistrong­ka ang mga drawer ng cabinet sa kanyang kuwarto at nawawala na ang kanyang P500,000 at US$35,000 cash, gayundin ang kanyang mga mamahaling alahas, na aabot sa P4.5 milyon.

Kauuwi lang ng doktora sa bahay nang napansing wala rin ang kasambahay na si Layno kaya tinangka niya itong tawagan sa cell phone, subalit hindi niya nakontak.

Bandang 8: 00 ng gabi nang umuwi si Layno na agad kinumpront­a ng kanyang amo at ikinatwira­n ng kasambahay na nakatangga­p siya ng tawag mula sa isang lalaki at isang babae, na nagsasabin­g nasangkot ang doktor sa isang vehicular accident sa isang lugar sa Quezon City.

Inutusan umano siya ng callers na sirain ang mga drawer at kunin ang mga pera at alahas ng doktora, bago inihatid sa isang hindi kilalang babae sa loob ng mall sa North EDSA, na karaniwang modus operandi ng mga miyembro ng Dugo-Dugo gang.

Nagduda ang doktora sa pahayag ng kasambahay, at ipinaarest­o ito sa mga pulis para sampahan ng qualified theft.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines