Balita

2 Criminolog­y students, laglag sa snatching

- Mary Ann Santiago

Kalaboso ang inabot ng dalawang Criminolog­y student matapos makuhanan sa closed circuit television (CCTV) camera ang panghahabl­ot umano nila sa cell phone ng 15-anyos na estudyante sa Quiapo, Maynila, nitong Martes ng hapon.

Nahaharap sa kasong robbery snatching, na may kaugnayan sa paglabag sa Anti-Child Abuse Law (RA 7610), sina Jerickson Sajul, 20, nakatira sa Sta. Cruz; at Helmer Caspe, 19, ng M. Dela Fuente St., Sampaloc, kapwa estudyante ng University of Manila (UM), na kumukuha ng kursong Criminolog­y.

Inireklamo sila ng 15-anyos na biktimang estudyante sa Grade 8, matapos umano nilang hablutin ang rose gold na Oppo A37F cell phone nito na nagkakahal­aga ng P7,000.

Sa imbestigas­yon ni PO1 Debby Ann Respicio, ng Manila Police District (MPD)-Station 3, dakong 4:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Legarda St., Quiapo habang nag-aabang ng masasakyan­g jeep ang biktima.

Biglang tumunog ang cell phone ng biktima kaya agad niyang inilabas, pero hinablot umano ito ng dalawang suspek na magkaangka­s sa motorsiklo, bago tumakas.

Sa tulong na impormasyo­n mula sa concerned citizen at Facebook post, nadakip sa follow-up operation ng mga tauhan ng Barbosa Police Community Precinct (PCP) ang dalawang suspek na hindi na nagawang pumalag at itanggi ang nagawang krimen dahil sa CCTV footage.

Sa pulisya, inamin umano ni Sajul na siya ang humablot sa cell phone ng biktima dahil kailangan niya ng perang pambayad sa eskuwelaha­n.

Iginiit naman ni Caspe na nadamay lang siya sa krimen at hindi niya batid ang ginawang krimen ng kanyang kaklase.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines