Balita

DENR sa quarrying sa Mayon: Stop it, please!

- Ellalyn De Vera-Ruiz

Nanawagan kahapon si Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu sa mga quarry company na nag-o-operate sa six-km. radius permanent danger zone (PDZ) ng Bulkang Mayon na itigil muna ang kanilang operasyon bunsod na rin ng panganib ng bulkan.

Inihayag ni Cimatu na mas mahalaga ang buhay at kalusugan ng mga manggagawa kaysa kinikita ng naturang mga kumpanya.

“It seems that these companies are more concerned with profits than the welfare of their workers who endure the punishing conditions at the mining sites amid the volcanic eruption,” puna ni Cimatu.

Reaksiyon ito ni Cimatu nang makatangga­p ng ulat na marami pa ring manggagawa ang patuloy naghahakot ng buhangin at graba sa nasasaklaw­an ng PDZ sa kabila ng mga babala ng

DENR at ng Philippine Institute of Volcanolog­y and Seismology (Phivolcs) na mahigpit na ipinagbaba­wal ang pagpasok sa lugar.

Pagdidiin ni Cimatu, masyadong mapanganib sa kalusugan ang makapal na abong ibinubuga ng bulkan, bukod pa ang pagragasa ng lava, mga bato at pinapakawa­lang usok nito.

“Our primordial concern must be the safety and health of all people affected by the eruption of Mayon Volcano,” pagdidiin ng kalihim.

Matatandaa­ng nagbabala na rin ang Phivolcs sa negatibong epekto sa kalusugan at kapaligira­n ng volcanic gases, lalo ang sulfur dioxide.

Inilahad ng ahensiya na kapag naghalo ang sulfur dioxide, tubig at hangin ay magiging sulfuric acid ito na pangunahin­g sangkap ng acid rain, na magdudulot umano ng pagkasira ng kagubatan, mga ilog na magreresul­ta sa pagkamatay ng aquatic life, at lalamon din sa building materials at mga pintura nito.

Makaaapekt­o rin, ayon kay Cimatu, ang sulfure dioxide sa ating respirator­y system, lalo na sa ating baga at mga mata.

Nauna nang inihayag ng DENR-Bicol na umabot na sa “unhealthy level” ang total suspended particulat­es (TSP) sa hangin sa Camalig at Guinobatan, kaya inabisuhan ang mga residente na magsuot ng gas mask, bunsod na rin ng panganib ng alikabok sa ating kalusugan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines