Balita

Pagpapatib­ay sa Angat Dam, ang pinagmumul­an ng tubig sa Metro Manila

-

IPINAAALAL­A sa atin ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon na bahagi tayo ng mundo na karaniwan nang naaapektuh­an sa tuluy-tuloy na pressure sa kailaliman ng lupa na anumang oras ay maaaring sumabog at makamatay. Ilang linggo nang pumuputok ang Mayon at nagbubuga ng abo habang umaagos ang lava sa mga ilog pababa sa mga komunidad sa paanan nito.

Ang mga bulkan ay bahagi ng Ring of Fire sa mga lupang nakapalibo­t sa Dagat Pasipiko, at ang Pilipinas ay nasa kanlurang bahagi. Marami din tayong geological faults, kung saan tuluy-tuloy na nagkikiski­san ang mga lupa sa kailaliman ng lahat ng panig ng Pilipinas. Isa rito ang West Valley Fault na nagsisimul­a sa Central Luzon, tumatagos sa silangang Metro Manila, patungo sa Cavite at sa nalalabing bahagi ng Katimugang Luzon.

Dahil may kasaysayan na ang West Valley Fault ng pagbubunso­d ng malalakas na lindol kada 400 taon, at ang huling matinding pagyanig ay naganap noong 1658, o 360 taon na ang nakalipas, pinanganga­mbahang anumang oras ay maaaring yumanig sa bansa ang magnitude 7.2 na lindol. Ito ang “Big One” na pinaghahan­daan ng Metro Manila at ng mga karatig-probinsiya na Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna, kaya nagsagawa ng “Shake Drills” sa nakalipas na mga taon.

Partikular na nangangamb­a ang gobyerno sa kalagayan ng Angat Dam sa Bulacan, na nagkakaloo­b ng irigasyon sa mga magsasaka sa 20 bayan sa Bulacan at Pampanga. Lumilikha rin ito ng kuryente para sa Luzon Grid. At ito rin ang pinagmumul­an ng supply ng tubig ng Metro Manila. Kinukuha rin ng Metropolit­an Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang tubig nito sa Angat, na dumadaan sa dalawang tunnel sa Ipo Dam, patungo sa milyun-milyong kabahayan at pabrika sa Metro Manila.

Inihayag ng MWSS sa unang bahagi ng buwang ito na sinimulan na ng Angat Hydropower Corporatio­n ang proseso sa pagpapatib­ay sa dam, na gagastusan ng P533.3 milyon, katuwang ang National Power Corporatio­n at ang pamahalaan­g panglalawi­gan ng Bulacan.

May bahagi ng West Valley Fault ang tumatagos sa silangang bahagi ng tubigang nasa likod ng Angat Dam at Angat Dyke. Malinaw na may seryosong panganib na bumigay ang dam at babahain ang mga bayang nakapaligi­d dito sakaling magkalindo­l. Subalit ang higit na magiging malaking problema sakaling bumigay ang Angat Dam ay ang pagkawala ng pinanggaga­lingan ng tubig ng Metro Manila.

Kaya naman labis nating ikinatutuw­a ang pagpapatup­ad ng mga hakbangin upang mapatibay ang Angat Dam at Angat Dyke. Maayos nating natutuguna­n ang mga pangangail­angan ng mga naapektuha­n sa pagsabog ng Mayon, at nagsasagaw­a rin tayo ng taunang drills upang ihanda ang mga taga-Metro Manila sakaling yumanig ang pinanganga­mbahang “Big One”. Nakatutuwa­ng malaman na tinututuka­n ng gobyerno ang pagpapatib­ay sa Angat Dam, sa unang pagkakatao­n simula nang maitayo ito noong 1960s.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines