Balita

Misyon ng European Union: Negosyo sa ‘Pinas

- PNA

TINATAYA sa 40 kumpanya mula sa European Union (EU) ang bibisita sa Pilipinas sa ikatlong quarter ng taon, ayon kay Walter van Hattum, pinuno ng EU Delegation to the Philippine­s Economic and Trade Section.

“We have a big one coming. We are planning on the healthcare sector towards August or September. Some 40 companies from the EU will be coming to the Philippine­s,” sabi ni van Hattum.

Sinabi ng opisyal ng EU trade na nais ng mga kumpanyang European na sunggaban ang oportunida­d sa Pilipinas, dahil sa lumalaking demand sa sektor ng pangangala­ga sa kalusugan. “We’re looking at especially medical devices,” ani van Hattum. Sa 2017 Advocacy Paper of the EU-Philippine­s Business Network (EPBN), nakasaad na ang industriya sa pangangala­ga sa kalusugan ang prioridad ng sektor.

Nakasaad dito na nakadepend­e ang bansa sa pag-aangkat ng mga medical supplies, kaya 100 porsiyento ng medical equipment ay inaangkat, bukod pa sa 65 porsiyento na medical disposable­s.

Ang lokal na produksiyo­n ng kagamitang medikal sa bansa ay limitado sa prototype units, spare parts, at disposable­s gaya ng mga guwantes at heringgily­a. “As you can imagine, Europe has lot to offer in terms of technology,” ani van Hattum. Sa isa pang pahayag, binanggit sa EPBN advocacy paper na ang mga health-related firm mula sa Europa ay kayang suportahan ang mga layunin ng administra­syong Duterte, upang magtatag ng mga imprastruk­turang medikal, pagpapatup­ad ng programa sa pagbabakun­a, at paghahatid ng de-kalidad at bagong mga gamot, sa pamamagita­n ng public-private partnershi­p (PPP) model.

Nakakakita rin ang EU ng potensiyal sa Philippine healthcare sector dahil pinapagtib­ay ng gobyerno ang health expenditur­e ng bansa.

Natukoy na noong 2014, umabot lamang sa 4.7 porsiyento ng gross domestic product (GDP) ang nagastos ng bansa sa larangan ng kalusugan, na mababa sa limang porsiyento ng GDP na inirekomen­da ng World Health Organizati­on.

Naglaan ang administra­syon ng mahigit P107 bilyon bilang budget sa kalusugan sa ilalim ng 2018 General Appropriat­ions Act.

Samantala, sinabi rin ni EU Ambassador to the Philippine­s Franz Jessen na nais ng EU ang mas maraming pagpapalit­an ng pagbisita sa pagitan ng dalawang panig, upang mas mapatatag ang ugnayan sa kalakalan at pamumuhuna­n sa pagitan ng mga kumpanyang European at Pinoy.

Bibisitahi­n ng delegasyon ng mga negosyante­ng Pinoy ang Hungary ngayong linggo para sa pagsusulon­g ng pagkakaroo­n ng mga sub-sector ng mga makina, kagamitang medikal, parte ng sasakyan, aerospace, pharmaceut­icals, pagkain at negosyong pang-agrikultur­a, imprastruk­tura, at iba pang mga serbisyo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines