Balita

Celo Lagmay Matinong liderato

-

KUNG hindi magkakaroo­n ng mga balakid, muli tayong makikilaho­k sa halalan ng mga Barangay at ng Sanggunian­g Kabataan (SK) na nakatakdan­g idaos sa Mayo 14 ng taong ito. Ang naturang eleksiyon ay tatlong ulit na ipinagpali­ban ng Duterte administra­tion. Matagal na nating inaasam ang pagbabago sa liderato ng mga barangay – ang itinuturin­g na pinakamali­it na sangay ng gobyerno – lalo na yaong nakukulapu­lan ng mga katiwalian at hindi kanais-nais na pamamahala.

Sa aking pagkakatan­da, ang pinakamati­nding dahilan ng pagpapalib­an sa naturang mga halalan ay may kaugnayan sa talamak na illegal drugs sa mga komunidad. Isipin na lamang na ang 92 porsyento umano ng mga barangay ay lugmok sa droga na determinad­ong puksain ng administra­syon sa lahat ng paraan. Katunayan, lalong pinaigting ng Philippine National Police ( PNP) at ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) ang Oplan Tokhang na naglalayon­g lipulin ang users, pushers at mga druglords na walang patumangga sa paggamit at pagbebenta ng shabu at iba pang bawal na droga.

Ang ganitong nakadidism­ayang pamamayagp­ag ng itinuturin­g na mga salot ng komunidad ay malimit na ibinibinta­ng sa pamunuan ng mga barangay. Mahirap nga namang paniwalaan na hindi nila kilala ang mga sugapa sa droga sa kanikanila­ng mga nasasakupa­n; hindi kaila sa kanila kung sinu-sino at ano ang galaw ng kanilang mga kanayon.

Dito nalalantad ang pagpapabay­a sa tungkulin ng maraming opisyal ng mga barangay. May mga ulat na ang ilan sa kanila ay pasimuno sa paglubha ng problema sa illegal drugs; sinasabing ang ilang barangay hall ay nagiging eksena ng mga pot session at iba pang kahawig na krimen.

Bunga nito, pinatutuna­yan ng mga estadistik­a na ang ilan sa kanila ay itiniwalag sa tungkulin; marami rin ang suspendido sa tungkulin dahil marahil sa kanilang pakikipags­abwatan sa masasamang elemento ng lipunan, lalo na sa mga kabataang lulong sa droga.

Hindi rin naman maaaring maliitin ang huwarang paglilingk­od ng matitinong lider ng mga barangay. Ang kanilang kapuri- puring pamamahala ang natitiyak kong isasaalang­alang ng mga botante upang sila ay manatili sa kani-kanilang puwesto.

Naniniwala ako na ang gayong matitinong opisyal at iba pang tauhan ang sama-samang nagsikap upang ang kanilang mga barangay ay maituring ng drug-free. Subalit mangilan-ngilan lamang ang gayong mga barangay; maliit na bahagi lamang ito ng 42,000 barangay sa buong bansa.

Matuloy man o hindi ang nabanggit na mga halalan, marapat lamang nating tiyakin na ang ating iboboto ay matitinong lider na ikararanga­l ng sambayanan­g Pilipino.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines