Balita

Sharon-Gabby fans, may throwback kilig

- Ni NITZ MIRALLES

MAY teaser na ang McDonald’s TVC nina Sharon Cuneta at Gabby

Concepcion at ang cute dahil ginamit ang title ng dalawang pelikula nila.

Sabi sa teaser, “Dear Heart (emoji ng heart), Kita-Kitas! P.S. I Love U (emoji uli ng heart sa love ang ginamit). Sinundan ito ng, “MEGA kilig, umaga’t GABI.”

Ang Dear Heart at P.S. I Love You ay dalawa sa mga pelikulang ginawa nina Sharon at Gabby. May nakalagay pang “Soon” sa teaser at ang sabi, sa February 10 ito ilalabas.

Nag-post din si Sharon ng clip na kuha sa pelikulang Dear Heart at nag-comment si Gabby ng, “This is the ending of our First Movie but we are BEGINNING something NEW! No se que @sharoncune­ta.”

Sumagot si Sharon ng, “@ concepcion­gabby Hola! Ahora yo se. Jajajaja! Y naman por supuesto que sabes kaya! Como estas esta noche?”

May mga nakakatuwa pang convo sina Sharon at Gabby na lalong kinakiliga­n ng kanilang fans.

Nakakatuwa dahil naglalabas­an ang Sharon-Gabby fans at marami pa rin sila. Mga kinikilig at nagre-request na ituloy na nila ang reunion movie. May mga nagkocomme­nt na bumalik sila sa pagka-teenager dahil sa McDo TVC nila.

Ang parang hindi lang maganda ay ang wish ng ibang fans na magkabalik­an sina Sharon at Gabby. Ano ‘yun, iiwan na lang ni Gabby ang pamilya niya at ganu’n din si Sharon? ‘Kaloka!

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines