Balita

Paul Simon awat na sa music tour

- Paul Simon

IPINAHAYAG ng folk rock legend na si Paul Simon ang kanyang final tour nitong Lunes, sinabing napagod na siya sa pagbibiyah­e matapos ang 50 taong pagtatangh­al.

Sisimulan ng 76-anyos, na mula sa pagiging conscience ng 1960s generation ay naging pioneer ng world music fusion, ang kanyang farewell tour sa North America at Europe sa Mayo 16 sa Vancouver.

Magpapaala­m si Simon, tubong New York na unang sumikat sa Britain, sa Hulyo 15 sa Hyde Park ng London, na pinaggtang­halan niya ng career-spanning concert noong 2012 na ginawang live album.

Sinabi ni Simon na pinag-iisipan niyang mabuti ang tungkol sa pagreretir­o simula nang pumanaw ang longtime guitarist ng kanyang backup band na si Vincent N’guini, noong Disyembre.

“Mostly, though, I feel the travel and time away from my wife and family takes a toll that detracts from the joy of playing,” sabi ni Simon, na kasal sa kapwa folk singer na si Edie Brickell, ang kanyang third wife, na ina ng kanyang tatlong anak.

“I’d like to leave with a big Thank You to the many folks around the world who’ve come out to watch me play over the last 50 years,” sinabi niya sa isang written message sa fans.

Sinabi ni Simon na bukas pa rin siya sa pagtatangh­al matapos ang kanyang farewell tour ngunit para lamang sa occasional concerts para suportahan ang mga kampanyang malapit sa puso niya, gaya ng kapaligira­n. - Decades of experiment­ation - Si Simon, orihinal ng duo kasama si Art Garfunkel, ay naging isa sa mga boses ng 1960s generation sa kanyang musically peaceful yet politicall­y engaged songwritin­g.

Naglabas ang Simon and Garfunkel ng serye ng classic hits, kabilang ang Bridge over Troubled Water at Mrs. Robinson.

Kalaunan ay naging solo artist siya at tumulong sa paghubog sa daan ng world music sa Graceland, ang 1986 album na madalas ituring na kanyang masterpiec­e.

Dinala ng Graceland si Simon sa apartheide­ra South Africa matapos siyang mapahanga nang marinig ang tape ng Township Jive dance music, na hinaluan ng zydeco rhythms mula sa Louisiana at ng kanyang sariling personal pop songwritin­g.

Ang lbum ay nanalo ng Grammy for Album of the Year at ginawang bituin ang choral group na Ladysmith Black Mambazo, na ang rich voices ang nagbigay ng harmonies.

Hindi tumigil si Simon sa experiment­ation. Ang kanyang huling album, ang Stranger to Stranger noong 2016 ay pinagsama ang unique instrument­s ng 20th century musicologi­st na Harry Partch, na nagdisenyo ng microtonal scales – ibig sabihin ay smaller intervals kaysa mga karaniwang ginagamit sa Western music.

Unang nagpahayag si Simon ng pagnanais na magretiro noong 2016 bago magtanghal sa dalawang shows sa Forest Hills stadium, malapit sa lugar kung saan siya lumaki sa New York borough of Queens.

“Showbiz Showbiz doesn doesn’t t hold old any interest ani ni Simon sa The York ork Times panahong anahong idinagdag dinagdag na: “It’s courage ourage to let go.”

 ??  ?? for me, me,” New nan nang iyon iyon, an act o of
for me, me,” New nan nang iyon iyon, an act o of

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines