Balita

Diane Kruger, ipinagtang­gol si Quentin Tarantino

-

NAGSALITA si Diane Kruger tungkol sa kanyang karanasan sa pakikipagt­rabaho kay Quentin Tarantino. Ginamit ng bida ng

Inglouriou­s Basterds ang Instagram nitong Martes para depensahan ang director sa gitna ng mga lumabas na istorya kasunod ng panayam ng New York

Times kay Uma Thurman, na bukod sa pag-aakusa ng sexual misconduct laban kay Harvey Weinstein ay binatikos din ang unsafe conditions sa production ng Kill Bill, na nauwi sa aksidente niya sa set.

“In light of the recent allegation­s made by Uma Thurman against Harvey Weinstein and her terrifying work experience on Kill

Bill, my name has been mentioned in numerous articles in regards to the choking scene in

Inglouriou­s Basterds,” saan ni Diane. “This is an important moment in time and my heart goes out to Uma and anyone who has ever been the victim of sexual assault and abuse. I stand with you.”

“For the record, however, I would like to say that my work experience with Quentin Tarantino was pure joy,” patuloy ng 41-yearold actress. “He treated me with utter respect and never abused his power or forced me to do anything I wasn’t comfortabl­e with. With love, D xoxo.”

Sa paglabas ng artikulo kay Uma sa Times, sinabi naman ni Tarantino sa Deadline nitong Lunes na ang car crash scene ni Uma sa Kill Bill ang “biggest regret of my life.”

Sa panayam sa ng Times, sinabi rin ni Uma na umabot ng 15 taon bago niya nakuha ang footage ng crash. Ipinaskil niya ito sa Instagram nitong Lunes, at pinuri si Tarantino “for doing the right thing” dahil ibinigay na ito sa kanya.

“Quentin Tarantino, was deeply regretful and remains remorseful about this sorry event, and gave me the footage years later so I could expose it and let it see the light of day, regardless of it most likely being an event for which justice will never be possible,” aniya. “He also did so with full knowledge it could cause him personal harm, and I am proud of him for doing the right thing and for his courage.”

 ?? Quentin at Diane ??
Quentin at Diane

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines