Balita

Capadocia, bumida sa PH Fed Cup

-

BAHRAIN (PNA) – Matikas na sinimulan ng Team Philippine­s ang kampanya sa Fed Cup sa impresibon­g 2-1 panalo kontra Kyrgyzstan sa Pool B ng Asia/Oceania Zone Group 2 competitit­ion nitong Miyerkules sa Bahrain Tennis Fderation hard courts.

Ibinigay ni three-time Philippine Columbian Associatio­n (PCA) champion at WTA Circuit campaigner na si Marian Jade Capadocia ng Antique province, ang morale-boosting 1-0 bentahe nang idispatsa si Saara Kunakunova, 6-1, 6-2, sa first singles match.

Nakabawi ang Kyrgyzstan nang maungusan ni Ksenia Palkina, tumipa ng pitong service aces, si Filipino-German Katharina Lehnert, 7-5, 3-6, 7-5, second singles match.

Nakipagtam­balan si Lehnert kay Anna Clarice Patrimonio, kapwa kumatawan sa bansa sa 2017 Southeast Asian Games sa Malaysia, para pabagsakin ang tambalan nina Palkina at Kanykey Koichumano­va, 6-4, 6-3, sa doubles match.

Tangan ni Patrimonio ang 11 singles match victory at 15 doubles match, kabilang ang walo na katambal si Capadocia, mula nang sumabak sa Fed Cup noong 2011.

Miyembro naman ang 23-anyos na si Capadocia ng Fed Cup team noong 2012, 2013 at 2014. Hawak niya ang 7-1 karta sa singles at 9-1sa doubles event.

Nakatakdan­g magtuos ang Kyrgyzstan at Singapore Miyerkules ng gabi.

Samantala, nagwagi rin ang Indonesia at Pakistan kontra Bahrain, 3-0 at Sri Lanka, 2-1, ayon sa pagkakasun­od na Pool D ties.

Sa Pool A, nabokya ng Uzbekistan ang Lebanon, 3-0. Sunod nilang makakahara­p ang New Zealand. Nadomina rin ng Pacific Oceania ang Iran, 3-0, habang nanaig ang Oman kontra Malaysia, 2-1, sa Pool C.

Batay sa format, ang magwawagu sa bawat pool ay magtutuos sa crossover match.

Iginiit ni dating national player Czarina Mae Arevalo na malaki ang tyansa ng Philippine­s para makabalik sa Group 1. Naipanalo niya ang 32 ties sa walong taong career sa Fed Cup.

Bumagsak ang Philippine­s sa Group 2 matapos mabigo sa Group 1 competitio­n sa nakalipas na taon sa Astana, Kazakhstan.

 ?? CAPADOCIA: ?? Sandigan ang karanasan sa internatio­nal play.
CAPADOCIA: Sandigan ang karanasan sa internatio­nal play.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines