Balita

CEU Scorpions, kumasa sa Batang Baste

-

Mga laro ngayon (Pasig City Sports Center) 2 n.h. -- Mila’s Lechon vs Zark’s Burger-Lyceum 4 n.h. -- Marinerong Pilipino vs Wangs Basketball-Letran

MAITULOY ang natipang winning run ang target ng Zark’s Burger - Lyceum sa pagsagupa sa bokya pa ring Mila’s Lechon sa pagpapatul­oy ng aksiyon sa 2018 PBA D League Aspirants Cup ngayon sa Pasig City Sports Center.

Tatangkain ng Jawbreaker­s na masagpang ang ikalimang sunod na tagumpay sa paghaharap sa Mighty Roasters na hangad namang makaahon mula sa kinasadlak­ang tatlong sunod na kaabiguan na nagbaon sa kanila sa ilalim ng standings kasalo ng Batangas - EAC at AMA Online Education.

Nakatakda ang duwelo ganap na 2: 00 ng hapon na susundan ng bakbakan ng Marinerong Pilipino at Wang ‘‘s -Letran ganap na 4:00 ng hapon.

Isang matinding hamon para sa Mighty Roasters kung paanong pipigilin ang mainit na arangkada ng Jawbreaker­s na makaraang mabigo sa una nilang laban ay nagposte ng apat na dikit na tagumpay.

Sa tampok na laban, kababalik pa lamang sa winning track buhat sa dalawang sunod na kabiguan , muling magsisimul­a ang Marinerong Pilipino ng winning run sa pagsagupa sa Wang’s Basketball -Letran na siya namang huling biktima ng Jawbreaker­s.

Nitong Martes, nakamit naman ng Centro Escolar University, sa pangunguna ni Rod Ebondo na kumana ng 28 puntos, 23 rebounds at walong blocks, ang ikalawang sunod na panalo nang pabagsakin ang Che’Lu Bar7Grill-San Sebastian, 105-88. Marivic Awitan Iskor: CEU (105) — Ebondo 28, Wamar 18, Fuentes 14, Guinitaran 14, Aquino 8, Arim 6, Manlangit 6, Cruz 5, Caballero 2, Intic 2, Saber 2. CHE’LU BAR AND GRILL- SAN SEBASTIAN (88) — Ilagan 19, Bulanadi 13, Faundo 12, Calisaan 11, De Leon 8, Batino 5, Capobres 5, Valdez 5, Jeruta 4,Baetiong 2, Costelo 2, David 2, Santos 0. Quartersco­res: 25-20, 51-42, 79-67, 105-88.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines