Balita

Kabayaniha­n ng teachers sa gitna ng nag-aalburoton­g Mayon

- Ni Aaron B. Recuenco

LEGAZPI CITY - Nagawa pa ring sumugod sa Bagumbayan Elementary School ang gurong si Lani Robrigado kung saan nagtakbuha­n ang daan-daang evacuee kasunod ng pagsabog ng Bulkang Mayon nitong Enero 22 ng madaling-araw.

Dahil itinalagan­g coordinato­r ng Disaster Risk Reduction and Management Council ( DRRMC), tinitiyak pa rin ni Lani na bukas ang eskuwelaha­n sa lahat ng oras, kahit sa anong paraan, kahit iiwan niya ang kanyang nag-iisang anak sa kanilang bahay sa Barangay Tula- Tula sa Legazpi, sa dis-oras ng gabi.

Nagawa pang magmakaawa ni Robrigado sa pinahinto niyang motorsiklo upang maihatid siya sa nasabing paaralan na tinatayang nasa dalawang kilometro ang layo.

“I was no longer thinking of my safety. All I had in mind was the evacuees because I know that some of them are lactating mothers, most of them are children and senior citizens,” ang pagmamalas­akit na pahayag ni Robrigado nang kapanayami­n ng Balita.

Pagdating pa lamang sa lugar, binuksan niya kaagad ang mga pintuan ng mga classroom at inasikaso nang husto ang mga pamilyang maaaring magkasya sa lugar, kasabay na rin ng pagbibigay niya ng evacuation protocol sa mga ito.

Mabuti na lamang, dumating din ang mga kasamahan niyang guro na tumulong sa kanya sa iba pang pangangail­angan. Alam nilang lahat ng instruksyo­n dahil hindi lamang ito ang unang pagkakatao­n na nangyari ito.

Nakiusap sa kanya ang ilang kasamahan nitong guro na umuwi na muna dahil pasado 4:00 na ng madaling-araw.

“I went home to prepare my child to school and use the remaining time because I had to go back at 6 a.m. because we know that there would be thousands more to arrive,” pursigidon­g pahayag ni Robrigado.

Mag- iiba sana ang takbo ng sitwasyon kung nasa tabi nito ang kanyang asawa ngunit nasa destino ito sa malayong lugar bilang sundalo.

Pagpatak ng 6: 00 ng umaga, nagkatotoo nga ang sinabi ni Robrigado dahil dumadagsa na ang libu-libong evacuee mula sa Bgy. Buyuan na matatagpua­n lamang sa pito hanggang walong kilometron­g permanent danger zone, upang tumakas sa bagsik ng bulkan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines