Balita

5 dinampot sa cara y cruz

- Hans Amancio

Limang katao, kabilang ang dalawang menor de edad, ang inaresto dahil sa umano’y ilegal na pagsusugal sa magkakahiw­alay na insidente sa Maynila.

Kinilala ni PO2 Michael Permano ang mga suspek na sina Rico Ebuseo, 27, helper, ng D. Moriones Street, Binondo; at Patrick Figura, 26, basurero, ng Recto Avenue, Binondo.

Nagkasa umano sina PO1 Bryan Perez at PO1 Francis De Mesa ng Oplan Galugad ganap na 9:00 ng umaga nitong Miyerkules sa kahabaan ng Claro M. Recto Avenue sa Tondo, Manila, nang maaktuhan umano sina Figura at Ebuseo sa paglalaro ng cara y cruz.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang limang P20 bill, limang baryang P5, tatlong baryang piso, dalawang P50 bill, dalawang baryan P10, at isang P100 bill, na may kabuuang halaga na P363.

Nahaharap ang dalawang suspek sa illegal gambling at isasailali­m sa inquest proceeding­s sa Office of the City Prosecutor.

Samantala, tatlo pang katao ang inaresto dahil sa parehong paglabag, maliban sa isa na umano’y nakumpisak­an pa ng drug parapherna­lia sa Sta. Mesa, nitong Miyerkules ng gabi.

Dinakma ng pulisya sina John Caragdag, 25, sales clerk; Ariel Banastao, Jr. 19; at Reynaldo Fernando, Jr., 18, pawang taga-San Antonio St., Sta. Mesa.

Nagsasagaw­a umano ang mga tauhan ng Station Drug Enforcemen­t Team (SDET) ng anti-criminalit­y campaign nitong Miyerkules, bandang 11:35 ng gabi, sa Damka St. nang mamataan ng mga suspek na naglalaro ng cara y cruz.

Nakumpiska­han umano ang mga suspek ng P93 cash na hinihinala­ng taya, at isang maliit na glass tube pipe na pinaghihin­alaang may latak ng marijuana.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines