Balita

Nang-blackmail sa dalagita timbog

- Jun Fabon

Nasukol ang isang nagpanggap na talent manager sa social media makaraang biktimahin ang isang magandang menor de edad sa Quezon City, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang naaresto na si Jonathan Ygot, 24, ng Nagcarlan, Laguna.

Nakapiit ngayon si Ygot sa District Special Operation Unit (DSOU), sa headquarte­rs ng QCPD sa Camp Karingal, matapos kasuhan sa Quezon City Prosecutor’s Office ng paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act (RA 9995), at sa Anti-Child Abuse Law (RA 7610).

Ayon sa imbestigas­yon ng pulisya, dakong 1:00 ng hapon nitong Miyerkules nang dumulog sa hepe ng DSOU na si Supt. Rogarth Campo ang dalagitang biktima kasama ang kanyang ina.

Batay sa salaysay ng biktima, nakilala niya si Ygot sa social media na umano’y naghahanap ng modelo para gawing artista, product endorser, at pinagdadal­a pa umano siya ng suspek ng nude photo niya sa opisina nito.

Nabatid na nagpadala ang dalaga ng kanyang nude photo kay Ygot sa pamamagita­n ng social media, hanggang manakot ito na ipakakalat ang nasabing litrato kung hindi makikipagk­ita sa kanya ang dalagita.

Ayon kay Supt. Rogarth, isang entrapment operation ang agarang isinagawa ng kanyang mga operatiba bandang 4:00 ng hapon sa isang hotel sa North EDSA, at dinakip ang nasorpresa­ng si Ygot.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines