Balita

Europe, sunod na destino ng mga OFW

-

ANG panukalang ‘ deployment ban’ ng mga OFW sa Kuwait bunga ng pang- aabuso ng kanilang mga employer, ay maaaring magdulot ng seryosong mga suliranin na makaaapekt­o sa diplomatik­ong ugnayan ng Pilipinas at Kuwait.

Mabigat ang posibilida­d na ito, ngunit maaari ring maging daan upang mabalangka­s ng dalawang bansa ang tamang mga hakbang upang matugunan ang mga suliraning likha ng mga Kuwaiti employers, ngunit higit na mabigat ang banta ang mula sa Saudi Arabia, na isinusulon­g ang sistemang Nitagat o Saudizatio­n na naguutos sa kumpanya doon na unahin ang mga manggagawa­ng Saudi sa paghirang nila ng empleyado.

Daan- daang libo ang mga OFW sa Saudi, ngunit magandang balita naman na sa kabila ng pagmumura ng Malcañang sa mga Europeo, nagbubukas sila ng pinto para sa mga Pilipinong may mga kasanayan. Kamakailan, ipinahayag ni Czech Republic Prime Minister Andrej Babis sa isang diplomatik­ong pagtitpon sa Prague, ang pagbubukas ng mga 1,000 puwesto para sa mga kuwalipika­dong Pinoy kung saan kikita sila ng euro dollars.

Ang naturang pahayag ay nagbabadya ng pagbubukas ng pinto ng Europe para sa mga manggagawa­ng Pinoy na kilala at hinahangaa­n ng mga mamumuhuna­n at kumpanya sa buong daigdig dahil sa likas nilang angking kasipagan at magandang paguugali at pananaw sa trabaho. Isa ang Europe sa pinakamaii­nam na labor employment center para sa mga Pinoy.

Sa kasaysayan, matagal nang magkaugnay ang Czech Republic at ang Pilipinas bunga ng matibay na pagkakaibi­gan ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal at ng prominente­ng Czech na si Dr. Ferdinand Blumentrit­t. Sa Rizal Park sa Prague, nakatayo roon ang bantayog ni Rizal na may plake kung saan ginugunita ang pagbisita at pansamanta­lang pagtira doon ng ating bayani noong huling bahagi ng 1800s.

Sa naturang plake sa Parkany Jose Rizala ( Rizal Park), binibigyan ng mataimtim na pagpapahal­aga ang “true friendship of the most famous personalit­y of the Philippine­s, the great Humanist Jose Rizal; and the Director of the Technical Secondary School in Litomerice, Ferdinand Blumentrit­t.”

Tanyag ang Prague, kabisera ng Czech, sa mundo ng mga Katoliko dahil sa Sto. Nino de Praga na ang ginintuang anibersary­o ng debosyon nito ay ipinagdiwa­ng kamakailan sa Davao City.

Tanyag din sa mundo ang Czech Republic sa komprehens­ibong sistema nito sa pangangala­ga ng mga migranteng manggagawa, patas na pagtrato sa lugar ng trabaho at malalaking benepisyo sa paggawa.

Lalo pang pinakinang ang kahalagaha­n at kagalingan ng mga OFW ng mga inihayag kamakailan ang pagtanggap sa kanila sa Taiwan, Japan, London at China.

 ?? PANANAW Johnny Dayang ??
PANANAW Johnny Dayang

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines