Balita

Mamera na ang Martial Law pati buhay

-

NAAAYON daw sa Saligang Batas ang Joint Resolution ng Kongreso na inaprubaha­n nito noong Disyembre 13, 2017 na nagpapalaw­ig sa Proclamati­on no 216 hanggang sa katapusan ng 2018, sabi ng Korte Suprema. Sa nasabing proklamasy­on, inilagay ni Pangulong Duterte ang buong Mindanao sa ilalim ng Martial Law at sinuspinde ang writ of habeas corpus matapos salakayin ng umano’y teroristan­g Abu Sayaff at ISIS-Maute ang Marawi City noong Mayo23.

“May sapat na batayan,” wika ng Korte, “ang resolusyon ng Kongreso.” Kaya, sa botong 10-5, ibinasura nito ang magkahiwal­ay na mga petisyong kinukwesti­yon ang isang taong pagpapalaw­ig ng rehimeng batas militar sa Mindanao.

“Hindi nakasaad sa Saligang Batas kung ilang beses palawigin ng Kongreso ang proklamasy­on ng martial law o pagsuspind­e ng writ of habeas corpus. Ang pagrerepas­o ng Kongreso sa kahilingan ng Pangulo na pahabain ang Martial Law sa Mindanao sa loob ng isang taon ay hindi pwedeng muling suriin ng Korte. Hindi itinatakda ng Konstitusy­on kung hanggang kailan palalawigi­n ng Kongreso ang martial law kundi ipinauubay­a na lang ito dito. Kung ang layunin ng Constituti­onal Commission, na lumikha ng Saligang Batas, ay limitahan ang pagpapahah­aba hanggang 60 araw lamang, sana isinaad nito at hindi hinayaan ito sa Kongreso,” paliwang ng Korte Suprema.

Ito ang pinakamati­bay na dahilan kung bakit hindi dapat baguhin ang Saligang Batas. Kasi, kahit anong pagbabago ang gawin kung ganito naman magpakahul­ugan ang Korte Suprema, wala na tayong gagawin kundi baguhin ito nang baguhin depende kung ano ang pagnanais at magsisilbi sa pansarilin­g interes ng mga taong pinagkaloo­ban ng mamamayan ng kanilang kapangpaya­rihan.

Ang interpreta­syon ng Korte na nasa kapangyari­han na ng Kongreso kung hanggang saan nito pahahabain ang Martial Law ay nakakatako­t. Ginawa nitong mamera na ang Martial Law. Sa tuwing hihiling ang Pangulo ng pagpapalaw­ig ng martial law at sakupin ang iba pang lugar at inaprubaha­n ito ng Kongreso, wala nang bisa ang probisyon ng Saligang Batas na nagbibigay ng proteksyon sa taumbayan laban sa batas militar. Ang kanilang buhay at kapalaran ay nasa kamay na ng mga pulitiko.

Binalewala ng Korte Suprema ang madilim at madugong kasaysayan­g pinagdaana­n ng ating bayan. Sa ilalim ng Martial Law noon, ang batas ay si dating Pangulong Marcos. Nagkagutom­gutom ang taumbayan dahil sinarili ng mga Marcos ang salapi ng bayan. Kinumpiska ang mga ari-arian ng nakursunad­ahan nila. Ipinasara ang media at nawalan ng armas ang taumbayan laban sa pangaabuso sa kanila. Ipinadakip ang mga sa akala ay kalaban.

Maraming namatay, nangabuwal, at nangawala sa gitna ng kadiliman. Anupat bumaha ng dugo at luha ang bansa. “Ang martial law extension ay nangangahu­lugan sa amin sa Marawi na pwede nilang dambungin ang mga nalalabi naming ari-arian, patuloy kaming takutin at labagin ang aming karapatang pantao,” sabi ni Drieza Lininding, chair ng Moro Consesus Group ukol sa desisyon ng Korte Suprema.

Ang dapat na interpreta­syon ay ilagay sa konteksto ng kasaysayan. Ang kakulangan ng probisyon sa Saligang Batas, kung meron man, ay ipinalagay na naglilimit­a sa Martial Law at itinataguy­od ang karapatang pantao. Ang problena sa Korte Suprema, sinilip nito ang butas at sinamantal­a ito para sa layunin ng gustong mag-alaMarcos.

 ?? BULONG AT SIGAW Ric Valmonte ??
BULONG AT SIGAW Ric Valmonte

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines