Balita

PH netters vs Singapore sa Fed Cup tie

-

JAKARTA ( PNA) – Target ng Team Philippine­s na makausad sa susunod na round sa pakikipagt­uos sa Singapore Huwebes ng hapon sa Fed Cup Asia/Oceania Zone Group 2 tie sa Bahrain Tennis Federation hard courts.

Nagtabla ang Philippine­s at Singapore sa Pool B roundrobin (1-1) nang kapwa manaig sa kagrupong Kyrgyzstan. Nakatakda ang laro ganap na 10:00 ng umaga (3:00 ng hapon sa Manila). Ang tied ay nilalaro sa best-of-three (dalawang singles at isang doubles).

Nanaig ang Pinay netters sa Kyrgyzstan, 2-1, Miyerkules ng hapon.

Nagwagi si three- time Philippine Columbian Associatio­n (PCA) champion at WTA Circuit campaigner na si Marian Jade Capadocia ng Antique province kontra Saara Kunakunova, 6-1, 6-2, sa first singles match.

Nakatabla ang Kyrgyzstan nang maungusan ni Ksenia Palkina, tumipa ng pitong service aces, si Filipino-German Katharina Lehnert, 7-5, 3-6, 7-5, second singles match.

Nakabawi si Lehnert nang magwagi ang tambalan nila ni Anna Clarice Patrimonio kontra Palkina at Kanykey Koichumano­va, 6-4, 6-3, sa doubles match.

Tangan ni Patrimonio ang 11 singles match victory at 15 doubles match, kabilang ang walo na katambal si Capadocia, mula nang sumabak sa Fed Cup noong 2011.

Miyembro naman ang 23anyos na si Capadocia ng Fed Cup team noong 2012, 2013 at 2014. Hawak niya ang 7-1 karta sa singles at 9-1sa doubles event.

Bumagsak ang Philippine­s sa Group 2 matapos mabigo sa Group 1 competitio­n sa nakalipas na taon sa Astana, Kazakhstan.

Sakaling malagpasan ang Singapore, makakahara­p ng Philippine­s ang top team sa Pool D na Indonesia. Nanguna ang Indonesian nang bokyain ang host Bahrain (3-0) at Pakistan (3-0).

Tangan ng Pinay ang 6- 1 bentahe sa head- to- head duel kontra Singaporea­ns.

Huling nagtagpo ng landas ang dalawang bansa sa 2016 promotiona­l final playoff sa Thailand kung saan winalis ng Philippine­s ang dalawang singles ( Khim Iglupas kontra Charmaine Shi Yi Sheah, 6-2, 6-4, at FilipinoGe­rman Katharina Lehnert kontra Stephanie Tan, 3-6, 6-3, 6-4) sa bestof-three match.

Binubuo ang Singapore nina Sheah, Tan, Lynelle En Tong Lim at bagitong si Tammy Tan. Tumapos sila sa ikapitong puwesto sa nakalipas na season nang matalo sa Pacific Oceania sa positional playoffs.

 ??  ?? PATRIMONIO: Pambato sa doubles event.
PATRIMONIO: Pambato sa doubles event.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines