Balita

Perpetul spikers sa NCAA Finals

-

PINATAOB ng Perpetual Help ang defending champion College of St. Benilde sa pahirapang, 2325, 25-22, 25-22, 23-25, 15-9, panalo para makumpleto ang nine-game eliminatio­n round sweep at masungkit ang awtomatiko­ng finals berth sa men’s division ng 93rd NCAA volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Tumipa si Joebert Almodiel ng match-best 23 puntos, kabilang ang 21 puntos sa atake, habang kumana sina Ridzuan Muhali, team captain Rey Taneo, John Patrick Ramos at Ronniel Rosales ng double digits performanc­e para sandigan ang Altas sa 9-0 marka at maghihinta­y na lamang ng makakariba­l sa best-ofthree championsh­ip.

“When we lost the first set, I just told them to play with pride and I’m happy that they responded,” pahayag ni Perpetual Help coach Sammy Acaylar.

Habang papitek-peteks na lang ang Las Pinas-based spikers, dadaan sa stepladder semifinals ang Arellano University, San Beda at CSB.

Magtutuos ang San Beda at CSB sa knockout duel kung saan ang mananalo ay makakahara­p ng Arellano sa do-or-die showdown para sa nalalabing final slots.

Target ng Altas, huling naging kampeon noong 2015, na masungkit ang ika-11 titulo, tampok ang fivepeat noong 1985-89 season at fourpeat noong 2011-13. Kasalukuya­ng ikalawang may pinakamara­ming titulo ang Perpetual sa kasaysayan ng NCAA volleyball sa likod ng Letran (14).

“It’s not about the X and Os anymore. The championsh­ip will be won by the team that is more mentally prepared. And that is what we need to win this thing again,” pahayag ni Acaylar.

 ??  ?? SUMINSINGA­SING ang Perpetual Help spikers sa NCAA men’s volleyball.
SUMINSINGA­SING ang Perpetual Help spikers sa NCAA men’s volleyball.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines