Balita

ICC probe kay Digong, sisimulan na

- Argyll Cyrus B. Geducos

Tinatangga­p ni Pangulong Duterte ang desisyon ng Internatio­nal Criminal Court ( ICC) na magsagawa ng preliminar­y examinatio­n sa umano’y mga pagpatay at paglabag sa mga karapatang pantao na resulta ng kanyang madugong giyera laban sa illegal drugs.

Ito ang sinabi ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque matapos ihayag na nakatangga­p ng impormasyo­n ang Philippine mission sa Hague na sisimulan ng Office of the Prosecutor (OTP) ng ICC ang preliminar­y examinatio­n sa umano’y crimes against humanity ng Presidente simula nang siya ay manungkula­n.

Sinabi ni Roque sa press briefing kahapon na tinatangga­p ni Duterte ang desisyon ng OTP pagod na ito sa mga akusasyon sa pagpatay ng mga taong inosente.

“The President and I met about this extensivel­y for more than two hours last night. The President has said that he also welcomes the preliminar­y examinatio­n because he is sick and tired of being accused of the commission of crimes against humanity,” sabi ni Roque.

“He, of course, stands by his position that he swore an oath to protect this Republic against all threats to national security,” patuloy niya, at idinagdag na binigyang-diin ni Duterte na ang illegal drugs ay banta sa national security.

Sinabi ni Roque na kahit ituloy ng ICC ang imbestigas­yon at makasuhan kalaunan si Pangulong Duterte ng crimes against humanity, wala pa rin silang magagawa.

“The ICC relies on State cooperatio­n for arrest of individual­s, although this is speculativ­e. But right now they have a problem. They have charged a sitting president, Al Basheer (of Sudan), and they’re not able to apprehend him because no State cooperates,” sabi ni Roque.

Nagpahayag din si Roque na ang usapin tungkol sa drug war sa ICC ay hindi lalampas sa preliminar­y examinatio­n.

Sinabi rin ng opisyal ng Palasyo na iniisip ng Malacañang na ang desisyon ng OTP “(is a) waste of time and resources” dahil hindi pa panahon para manghimaso­k ang ICC sa domestic matters ng Pilipinas, at binanggit ang provision ng Rome Statute na ang ICC ay maaari lamang manghimaso­k kung hindi magampanan ng domestic courts ang tungkulin sa local issues.

Sinabi ni Roque na si Presidente Duterte ay inaakusaha­n ng crimes against humanity sa mga pagkamatay habang nagaganap ang drug war.

Ito ang mga kaso na isinampa ng abogadong si Jude Sabio sa ICC kasama ang self- confessed hitman na si Edgar Matobato bilang saksi sa mga pagpatay sa Davao City ng sinasabing Davao Death Squad ( DDS), sa utos umano ni Duterte na ilang taong alkalde ng siyudad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines