Balita

Artificial islands aarborin sa China

- Roy C. Mabasa

Binatikos ng kilalang maritime expert sa bansa ang deklarasyo­n kamakailan ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque na balang araw ay pasasalama­tan ng Pilipinas ang Chinese government sa pagtatayo ng mga artipisyal na isla sa pinagtatal­unang bahagi ng West Philippine Sea

Sinabi ni Roque na darating ang panahon na mauubos ang lakas ng China at pasasalama­tan ng mga Pilipino ang katabing bansa sa pagtatayo ng mga islang ito.

“Clearly, eventually, those artificial islands will be ours if we can ask China to leave,” aniya.

Inilarawan ni Dr. Jay Batongbaca­l ng University of the Philippine­s’ Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea (IMLOS) ang mga pahayag ni Secretary Roque na “outlandish” at patunay na ang administra­syong Duterte at ang matataas na opisyal nito ay walang pakialam sa posibleng panganib na maaaring idulot ng mga artipisyal na isla at itinayong pasilidad dito sa maritime rights at resources ng bansa.

“One day the government claims that there is nothing that it can do about China’s activities and facilities; the next day it claims to remain with ASEAN in expressing concern over militariza­tion and reclamatio­n; the following day it says that we will one day thank China for these islands if we can get China to leave,” sabi ni Dr. Batongbaca­l.

Tinumbok ng UP professor na ang pabagu-bagong posisyon na ito ay malinaw na nagpapakit­a ng “utter and total lack of concern and understand­ing” ng administra­syon “about the nation’s greatest national security challenge.”

“It does not have any plan or strategy; it is just bluffing and making things up as it goes along,” diin ni Batongbaca­l. “At worst, it is a preview of how it will in the future deceptivel­y spin its incrementa­l surrender of the country’s maritime rights and jurisdicti­ons.”

Ayon kay Batongbaca­l, kung sa tingin ng Pilipinas na wala itong magagawa sa kasalukuya­ng sitwasyon sa West Philippine Sea, paano nito mapapalaya­s ang China at paano maging kaisa ang bansa sa Associatio­n of Southeast Asian Nations sa pagpapahay­ag ng pangamba.

“Filipinos don’t want war, it’s true,” aniya. “But I don’t think Filipinos want to look like idiots and cowards, either.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines