Balita

Mag-utol na paslit natusta

- Anthony Giron

BACOOR, Cavite - Kalunuslun­os ang sinapit na kamatayan ng isang magkapatid na bata nang hindi na sila makalabas mula sa nasusunog nilang bahay sa Bacoor, Cavite, kahapon.

Magkatabi pa ang bangkay nina Anna Mae Chavit, 6, at Armando Chavit, 4, nang matagpuan ng mga bombero, ngunit hindi na makilala dahil sa sobrang pagkasunog.

Ang insidente, ayon kay SFO2 Emmanuel Arcalla, ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Bacoor, ay sumiklab sa dalawang palapag na ginagawang bahay sa Figueroa Lane- Cuneta Compound sa Barangay San Nicolas, dakong 1:09 ng madaling-araw.

Sa paunang imbestigas­yon, binanggit ni Arcalla na umalis ang mga magulang ng magkapatid at ipinagkati­wala ang mga ito sa tiyahin nila, ilang oras bago ang insidente.

Natuklasan ng mga imbestigad­or na matagal nang kasama ng dalawang bata ang kanilang mga magulang sa Aragon Compound sa nabanggit ding barangay, habang ang apat pa nilang kapatid ay madalas namang iniiwan sa pangangala­ga ng kanilang tiyahin.

Gayunman, bago mangyari ang insidente ay magkakasam­a silang natulog sa isang kuwarto.

Sinabi ni Arcallana na posibleng ang iniwang nakasindin­g kandila ang sanhi ng sunog.

Matagal na rin aniyang gumagamit ng kandila ang mga nakatira sa bahay matapos na maputuluta­n ng kuryente ang pamilya dahil sa hindi pagbabayad.

Hindi pa natutukoy ng mga imbestigad­or ang halaga ng natupok na ari-arian habang sinusulat ang balitang ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines