Balita

Isinumpa ko ang tatay atay ko --Ahwel Paz

- Ni REGGEE BONOAN

NAKITA namin si Papa Ahwel Paz sa finale presscon ng Wildflower kamakailan at excited niyang ibinalita na mapapanood sa Maalaala Mo Kaya ( MMK) ang life story niya. “Sabi ni Ma’am Charo ( Santos

Concio o CSC), ‘Can we share your story on MMK?’ Ma’am Charo personally chose my story after reading Tito Ricky Lo’s feature of me. She readily called

MMK prod to contact me. I did not have any hand in the production except the script. ‘Tapos sabi ng staff, ngayon lang daw nagla-like at comment si CSC sa page ng MMK, he-he...

“Siyempre RB (tawag ni Papa Ahwel sa amin), napakasara­p ng feeling kasi magiging blessing ulit sa maraming tao ‘yung kuwento ng pamilya namin kapag napanood nila.

“Kasi ‘yung kuwento ng pamilya namin ay tiyak na maraming makaka-relate na nag-struggle kami na nakatira kami sa malapit sa riles ng tren, magtitinda ka na ang panalangin namin sana maubos ang paninda para may kita at the same time sana may matira sa paninda para may pangkain kami.”

Mapapanood ang kuwento tungkol sa relasyon nila ng tatay niya at ang pagtatanim niya ng galit nang iwanan sila, kaya umabot sa puntong, “Isinusumpa ko ang tatay ko kaya ito ang naging dahilan kaya ako nagsikap nang husto, kasi itinaboy niya ako noon.”

May kasabihan na kapag galit ang anak sa magulang ay hindi nagtatagum­pay, pero kabaligtar­an naman ang nangyari kay Papa Ahwel dahil naging matagumpay siya sa lahat ng bagay.

“Oo, may ganu’n nga, pero nag-succeed ako kasi may kapatawara­n. Nagkapataw­aran kami ng tatay ko at nalaman ko na habang galit pala ako sa kanya na naging sandigan ko, gusto kasing ipakita sa tatay ko na nagkamali siya sa pag-iwan sa amin.

“Kaya lahat ng ginagawa ko noon, gusto ko mag-excel ako, sa mga contest, maging honor student, at nangyari naman at sinabi ko sa sarili ko na hindi ko siya i-invite.

“Pero without me knowing it, pumupunta pala siya sa school sa tuwing tatanggap ako ng medal. Hindi ko alam na sinusuport­ahan pala niya ako, ‘yung contest piece ko na ‘Oh Captain, My Captain’ lagi niyang pinakiking­gan. Kapag nasa diyaryo ako, lagi niyang ipinagmama­laking nasa diyaryo ako at kapag napapanood ako sa TV lagi niyang sinasabing ‘anak ko ‘yan’. At ‘yung polo na paborito kong isuot ay bigay niya pala na hindi ko alam na ang katwiran niya kahit wala siya sa tabi namin ay kasama ko siya,” kuwento ng radio personalit­y sa amin.

Mas masakit sa ina ni Papa Ahwel ang pag-abandona sa kanila kaya pinalaki siya nito sa paniniwala­ng ‘walang tatay sa mundo.’

“Sabi ni Nanay kasi na wala akong tatay, kaya nu’ng first day of class ko, tinanong ng teacher kung sino ang gustong magpakilal­a at nagtaas kaagad ako ng kamay at ‘yun nga sinabi ko lahat ang pangalan ng nanay at mga kapatid ko.

“Tinanong ako ng teacher, ‘ano’ng pangalan ng tatay mo?’ At sinagot ko ang teacher ko ng, ‘di ba po, wala namang tatay sa mundo?’ Kasi ‘yun ang sabi ng nanay ko, kasi po lahat ng anak ay galing sa nanay.”

Sinubukang hanapin ni Papa Ahwel ang tatay niya para humingi ng tulong dahil gusto niyang mag-aral at nagkita naman daw sila.

“Sabi niya, ‘Alam ko kung sino ka kung pupunta ka rito para humingi ka ng aginaldo, wala akong ibibigay sa ‘yo.’ Nagulat ako, kasi kaya lang naman ako nagpunta sa kanya para masabing may tatay ako para sa school. ‘Tapos tinanong kung sino’ng kasama ko at nu’ng sinabi kong si nanay, sabi niya, ‘kung pupunta ka rito, huwag mong isasama ang nanay mo’.”

Kaya sa murang edad, sinabi ni Papa Ahwel sa kanyang ina na hinding-hindi na sila maghihirap dahil gagawa siya ng paraan para makaahon sila sa hirap, na nangyari ngayon.

Magaling magluto ang nanay ni Papa Ahwel kaya ipinangako niya rito na, “Ipagpapata­yo kita ng restaurant.” May restaurant na nga sila ngayon, ang Dong Juan sa Mother Ignacia, Quezon City.

Bago namatay ang ama ni Papa Ahwel ay nagkausap, nagkapataw­aran, at nagkaliwan­agan sila.

Ilang beses na naming narinig ang kuwento ng buhay ni Papa Ahwel na lagi niyang isini-share sa annual medical mission niya tuwing Agosto pero nangingili­d pa rin ang luha namin nitong huli namin siyang nakatsikah­an.

Mapapanood na bukas ang istorya ng buhay ni Papa Ahwel sa MMK, 8 PM, gagampanan ni Francis

Maguindaya­o mula sa direksiyon ni Topel Lee. Dapat ay may hawak na bimpo ang sinumang manonood dahil tiyak na iiyak kayo.

 ?? Ahwel ??
Ahwel

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines