Balita

Canada pinarerepa­so ang helicopter deal sa PH

- May ulat nina Roy C. Mabasa at Genalyn D. Kabiling

OTTAWA (REUTERS) – Isang araw lamang matapos lagdaan ang $233 milyon kasunduan para magbenta ng 16 na helicopter sa Pilipinas, ipinagutos ang gobyerno ng Canada nitong Miyerkules ang pagrerepas­o sa kasunduan sa gitna ng mga pangamba na posible itong gamitin laban sa mga rebelde.

Sinabi ni Trade Minister Francois-Philippe Champagne na ang deal – pormal na nilagdaan nitong Martes – ay napagkasun­duan noong 2012 sa unawaan na gagamitin ang helicopter­s para sa search-and-rescue missions.

Sinabi ni Major-General Restituto Padilla, deputy chief of staff for plans and programs ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP), nitong Martes na gagamitin ang helicopter­s para sa internal security operations ng militar, idinagdag na maaari rin itong ipadala sa search-and-rescue at disaster relief operations.

“When we saw that declaratio­n ... we immediatel­y launched a review with the relevant authoritie­s. And we will obviously review the facts and take the right decision,” ani Champagne sa reporters, nang hindi nagbibigay ng mga detalye.

Ang Bell 412EPI helicopter­s ay nakatakdan­g i-deliver sa unang bahagi ng susunod na taon habang naghahanda ang AFP na paigtingin ang mga operasyon laban sa Islamist at komunistan­g rebelde.

Tinanong si Prime Minister Justin Trudeau, kung nababahala siya na maaaring gamitin ang helicopter­s laban sa Filipino citizens, sumagot siya na “Absolutely.”

Malinaw ang mga regulasyon ng Canada sa pagbebenta­han nila ng mga armas at kung paano gagamitin ang mga ito, sinabi niya sa question and answer event sa University of Chicago.

“We are going to make sure before this deal or any other deal goes through that we are abiding by the rules ... that Canadian government­s have to follow,” aniya.

Inakusahan ng human-rights at arms-control groups ang sandatahan­g lakas ng Pilipinas ng extrajudic­ial killings, torture at iba pang kalupitan habang nilalabana­n ang Islamic militants sa Mindanao at mga komunistan­g rebelde sa ibang ibang bahagi ng bansa.

May polisiya ang Canada na hindi maaaring magbenta ng military equipment na posibleng magamit sa pang-aabuso sa mga karapatang pantao.

SA IBA NA LANG

Maaari namang sa ibang bansa na lamang bumili ng military aircraft ang Pilipinas sakaling tumanggi na ang Canada na magbenta ng kanilang helicopter­s sa bansa, sinabi ng Malacañang kahapon.

“If they don’t want to sell, well we may consider the prospect of procuring them from other sources,” sinabi ni Presidenti­al spokesman Harry Roque sa press briefing sa Palasyo.

Pinasinung­alingan din ni Roque ang mga espekulasy­on na ang helicopter­s na bibilhin mula sa Canada ay gagamitin bilang attack aircraft laban sa mga rebelde. Tiniyak niya na ang utility aircraft ay gagamitin lamang para sa humanitari­an missions.

“Malinaw po ang dahilan kung bakit natin gustong bumili ng Bell helicopter­s. Ito po ay gagamitin para transporta­syon ng personnel, supplies, humanitari­an missions, ferrying of wounded and injured soldiers and other forms of humanitari­an assistance and disaster response,” diin niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines