Balita

Bilyones na dapat malikom para sa bayan!

(Panghuli sa tatlong bahagi)

- Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daver@ journalist.com

ANG kahalagaha­n ng isang industriya ay hindi agad nakikita kapag ang benipisyon­g dulot nito sa isang komunidad ay sadyang ITINATAGO o INILILIHIM sa mga tao upang ang makinabang ay ang iilan lamang.

Kaya binabalik-balikan kong basahin ang FORMULA ng mga numerong basehan ng Special Investigat­ive Report na isinulat ni Retired Police Sr. Supt Wally Sombero, hinggil sa “Anatomy and Dynamics of Interactiv­e Online Gaming” at ang business structures nito, upang maibahagi sa kaalaman ng nakararami.

Marahil, kung mababasa lamang at mapag-aaralan ng mga opisyal ng Department of Finance (DF) at Department of Trade & Industry (DTI) ang mga detalye sa Special Report na ito ni Wally, ay marami silang mapupulot na impormasyo­n at pamamaraan na makakatulo­ng -- “to recover, identify and collect the lost and untapped revenues” mula sa patagong industriya­ng ito.

Sa pananaw ng report, sa susunod na dalawa hanggang tatlong taon ay makakaya ng Pilipinas na maging Global Hub of the Interactiv­e Online Gaming Support Service industry – na ang ibig sabihin ay may projected growth na one (1) million expats hanggang sa taon 2020. At kung magiging madiin pa ang pagpapatup­ad ng pamahalaan sa kanyang inirekomen­dang “steps of project implementa­tion” ay maaaring umabot pa ito ng 2.5 million sa 2022.

Nangangahu­lugan ito na sa 1 million expats lamang, ganito ang maaaring maging kabuuang kita ng pamahalaan: P70 billion sa Working Permits; P273.6 billion mula sa isang Special Fee; at P270 billion sa BIR Income Tax return… Sobra- sobrang ipangpuno sa BILYONES na DEFICIT ng ating taun-taon na proposed national budget.

Bukod pa rito ang natatangin­g “economic multiplier effects” na maidudulot ng P1.368 trillion suweldo ng mga expats sa loob ng isang taon na pagtira rito sa bansa – na pinatutuna­yan naman ng opisyal ng barangay, na nagsasabin­g umunlad ang kanilang lugar na kinatatayu­an ng condominiu­m, na tinitiraha­n ng mga EXPAT na ito.

Kaya nga labis ang aking pagkamangh­a sa rebelasyon ng Special Report ni Wally – na may mga BILYONES pang mawawala sa kaban ng bayan bukod pa sa uncollecte­d taxes at individual income tax return, kapag umabot na sa 1 milyong expats ang nagtatraba­ho sa patagong industriya­ng ito…Cash daw kasi kadalasan ang pagpapa-suweldo sa mga EXPAT, ‘di dumadaan sa bangko, kaya’t siguradong napapalusu­tan sa TAX ang mga ahente ng BIR.

Ito naman ang nakalulung­kot na bahagi -- ang industriya ay nasa “Brink of Collapse” – ang mga operator ay naglilipat­an na sa ibang bansa dahil sa sinasabing “hindi friendly environmen­t” dito sa bansa…Iba-ibang uri ng paniniil at panggigipi­t mula sa legal at ilegal na mga pamamaraan ang inaabot ng mga ito.

Dahil sa inaabot na sobrang pahirap sa pagpapatak­bo ng kanilang negosyo, ay unti-unti nang naglilipat­an ang mga ito sa ibang bansa… Kaya’t ang nangyayari tuloy ay “mga Pinoy ang nagtanim, nagbayo at nagsaing, subalit nang maluto ay iba ang kumain!”

Ayon kay Wally, kailangan ang “friendly business environmen­t” at “reliable internet connectivi­ty” upang maging kampante ang mga “operators” na itatag at palaguin ang kanilang “back- bone” dito sa Pilipinas. At kapag ganito ang klima, magkakasun­do ang lahat ng stakeholde­rs, na mas magpapalag­o sa papasok na REVENUE sa bansa.

Sa aming kuwentuhan, ramdam kong ito ay isang legacy sa buhay ni Wally -- na nais niyang ibahagi sa pamahalaan ang kanyang pinagkadal­ubhasaan at natuklasan, upang maipamulat sa maaaring “unaware o misinforme­d” na mga opisyales na naitalaga ng Pangulo sa larangang ito…Ang sa akin lang, baka naman mga opisyal na sadyang NAGTATANGA- TANGAHAN o kaya ay NAGBUBULAG­BULAGAN upang solohin ang kita ng bayan!

 ?? IMBESTIGAD­aVe Dave M. Veridiano, E.E. ??
IMBESTIGAD­aVe Dave M. Veridiano, E.E.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines