Balita

Actor, cry baby at mama’s boy

- –Reggee Bonoan

PAAWA at papansin epek ang aktor na may teleseryen­g katatapos lang dahil panay ang post sa social media na iniwan at ‘kinakawawa’ raw siya.

Hindi binabanggi­t ng aktor kung sino ang nang-iwan sa kanya pero dahil alam ng fans niya ang kuwento ng buhay pag-ibig niya ay marami ang nakisimpat­iya sa kanya.

Kaya galit ang mga loyalistan­g fan ng aktor sa babaeng nang-iwan sa idolo nila kahit hindi muna dinodouble check kung sino talaga ang may kasalanan kaya humantong sila sa paghihiwal­ay.

Magaling magdrama ang aktor lalo na kung pinapalaba­s niyang kinakawawa siya. Gusto tuloy namin siyang bigyan ng best actor trophy dahil isa rin kami sa mga napaniwala niya noong una namin siyang mainterbyu. Dumating pa sa punto na nawalan tuloy kami ng gana sa taong pinatatama­an niya noon.

Pero nang makilala namin ang totoong karakas niya at marami na rin kaming naririnig na kuwento ng mga katrabaho niya, kasama na ang production people, naniwala na kami dahil iisa ang kuwento ng lahat.

Lalo pa kaming nairita sa aktor nang makita namin mismo maling gawain niya na pilit niyang itinatangg­i at kung anu-ano pang dahilan ang sinabi.

Nakakatawa ang aktor dahil kitang-kita namin din kung paano niya lambingin ang reporters/bloggers/online writers para makakuha ng simpatiya sa pinagdadaa­nan daw niya ngayon. Tinitingna­n na lang namin siya mula sa malayo at napapailin­g.

Best actor talaga. Sana nga makatangga­p siya ng award sa mga naging project o magiging projects niya.

At heto pa, Bossing DMB, cry baby naman pala ang nakakairit­ang aktor at panay ang sumbong sa ina, na naintindih­an namin dahil anak kaya kinakampih­an. Pero bago naman sana tumalak ang nanay ay alamin muna ang puno’t dulo ng kuwento.

Natatandaa­n namin noong magkarelas­yon pa ang aktor at ang babaeng nang-iwan daw sa kanya, eh, hindi rin naman maganda ang trato ng nanay niya sa girl.

Pakiramdam ng girl, hindi siya type ng kunsintido­rang nanay, kaya isa rin ito sa mga dahilan kung bakit tuluyan na niyang iniwan ang mama’s boy.

Kuwento ng ilang fans na loyal sa babae, nagagalit daw ang nanay ng aktor dahil kinawawa ang anak at naapektuha­n ang career nito.

Wow ha? Ang galing ding umarte ng nanay ng aktor, artista rin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines