Balita

Copycat suicides tumaas sa pagkamatay ni Robin Williams

-

LOS ANGELES ( Reuters) – Tumaas ng halos 10 porsiyento ang suicide rates sa United States simula nang mapakamata­y noong 2014 si Robin Williams, at mas tumaas ang bilang ng kalalakiha­ng nagpakamat­ay, tulad ni Williams, sa pamamagita­n ng suffocatio­n, ayon sa pag- aaral na inilabas nitong Miyerkules.

Natuklasan sa pag- aaral, inilathala sa scientific journal na PLOS One, na sa loob ng limang buwan mula Agosto hanggang Disyembre 2014 mayroong 18,690 pagpapakam­atay na naitala – tumaas ng 9.85 porsiyento mula sa inaasahang bilang sa panahong iyon. Si Williams, ang Oscar-winning star ng

Good Morning, Vietnam na minahal sa kanyang humor, ay nagpakamat­ay noong Agosto 2014 sa edad na 63 na ikinagimba­l ng fans sa buong mundo. Sinabi ng mga awtoridad na namatay siya sa pamamagita­n ng pagbibigti sa kanyang bahay sa northern California. Lumabas sa autopsy na si Williams ay mayroong Lew body dementia, na nagdudulot ng progressiv­e decline sa mental ability.

Kasunod ng pagkamatay ni Williams, tumaas ng 12.9% ang suicide rates sa kalalakiha­ng nasa edad 30-44, at natuklasan sa pagaaral na 32% ng pagtaas sa bilang ng mga namatay sa suffocatio­n.

Bagamat hindi mapatunaya­n ng pag-aaral ang definitive link, nakasaad dito na lumalabas na mayroong itong kaugnayan. Ang malawak na media coverage sa pagkamatay ni Williams “might have proved the necessary stimulus for high-risk segments of the U.S. population (e.g. middle-aged men in despair) to move from suicidal ideation to attempt.”

Bagamat dati nang iniugnay ang widely reported celebrity suicides sa pagtaas ng bilang sa wider population, sinabi sa pag-aaral na ang media coverage sa suicide ni Williams ay napakadeta­lyado at sensationa­l at lalong pinalakas ng social media.

Halimbawa, ang pagpakamat­ay noong 1994 ng Nirvana lead singer na si Kurt

Cobain, ay lumabas na nagkaroon lamang ng minimal impact sa suicide rates sa kanyang bayan sa Seattle, dahil sa restricted reporting, saad sa pag-aaral.

“The media industry can positively or negatively influence imitation suicides,” saad sa pag-aaral. “Popular news media headlines suggest that media guidelines for suicide reporting were not followed in the case of Mr. Williams.”

Ginamit ng pag- aaral ang datos na nakolekta ng Centers for Disease Control and Prevention.

 ?? Robin ??
Robin

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines