Balita

Paglaganap ng pekeng gamot, naharang ng FDA

-

NASABAT ng Food and Drug Administra­tion (FDA) kamakailan ang kahon-kahong mga pekeng gamot sa isang entrapment operation, sa pangunguna ni Director General Nela Charade G. Puno, at ng PNP-Criminal Investigat­ion and Detection Group (CIDG).

Karamihan sa mga pekeng gamot ay mga kilalang over-the-counter medicines na ginagamit sa mga pangkarani­wang sakit gaya ng ubo, sipon, lagnat at sakit ng katawan.

Pinuri ng Unilab, Inc., nangunguna at kilalang kumpanya ng gamot sa bansa, ang matagumpay na pagsisikap ng FDA at CIDG para mapangalag­aan ang kalusugan ng mga mamamayan.

“Binabati namin ang Food and Drug Administra­tion ( FDA), sa pangunguna ni Director General Nela Charade G. Puno, at ang CIDG sa matagumpay nitong entrapment operation ng mga pekeng gamot. Kami ay nakahandan­g makipagtul­ungan sa kanila upang masigurong may mananagot sa pagpapalag­anap ng mga nasabing pekeng gamot,” saad sa pahayag ng Unilab, Inc.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Unilab sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang masugpo ang pagkalat ng mga pekeng gamot. Nakahanda ang kumpanya, katuwang ang FDA at ang PNP-CIDG, na maghain ng kasong kriminal sa sinumang mapapatuna­yang lumalabag sa Republic Act 8203 o Special Law on Counterfei­t Drugs.

Payo ng Unilab sa publiko, maging mapanuri at bumili lamang sa mga kilala at pinagkakat­iwalaang botika at magsumbong sa mga awtoridad kung may nabiling kahinahina­lang mga gamot.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines