Balita

Body clock nasisira ilang taon bago tumama ang Alzheimer’s

- Xinhua

NANGYAYARI ang pagkasira ng body clock ilang taon bago mawalan ng memorya ang mga tao dahil sa Alzheimer’s disease, natuklasan ng US researcher­s sa Washington University sa St. Louis.

Sinundan ng mga mananaliks­ik ang circadian rhythms sa 189 matatanda na may normal na pag- iisip at may average age na 66. Ang ilan ay isinalang sa positron emission tomography (PET) scans para maghanap ng Alzheimer’srelated amyloid plaques sa kanilang utak. Ang iba ay ipinasuri ang cerebrospi­nal fluid para sa Alzheimer’s-related proteins. At ang ilan ay kapwa isinailali­m sa scans at spinal fluid testing.

Limampu sa 139 partisipan­te na mayroong abnormal brain scans o abnormal cerebrospi­nal fluid ay pawang nakaranas ng pagkasira ng kanilang internal body clocks, ayon sa ipinakita sa pag-aaral na inilathala nitong Lunes sa journal na JAMA Neurology.

Ang mga kalahok sa pag-aaral, mula sa Washington University’s Knight Alzheimer’s Disease Research Center, ay pawang nagsuot ng devices na katulad ng exercise trackers sa loob ng isa hanggang dalawang linggo. Kinmpleto rin ng bawat isa ang detalyadon­g sleep diary bawat umaga.

Sa pagsubayba­y sa aktibidad sa umaga at sa gabi, masasabi ng researcher­s na magulo ang pahinga at aktibidad sa loob ng 24-oras.

Ang mga kalahok na nakaranas ng mabilisang aktibidad at pahinga sa araw at gabi ay mas malaki ang posibilida­d na magkaroon ng amyloid buildup sa kanilang utak.

Nagsagawa rin ang mga mananaliks­ik ng hiwalay na pag- aaral sa mga daga na kinakitaan ng parehong circadian disruption­s at ng developmen­t ng amyloid plaques sa utak, na iniuugnay sa Alzheimer’s.

Ipinalagay ng mga mananaliks­ik na masyado pang maaga para sagutin ang katanungan kung inilalagay ng disrupted circadian rhythms ang mga tao sa panganib ng Alzheimer’s disease o kung ang Alzheimer’s-related changes sa utak ay nakasisira sa circadian rhythms.

Ngunit makatutulo­ng ang pag-aaral sa mga doktor upang matukoy nang mas maaga ang panganib sa Alzheimer kaysa nagagawa sa kasalukuya­n. Mahalaga ito dahil ang pinsala ng Alzheimer’s ay maaaaring magkaugat sa utak 15 hanggang 20 taon bago lumabas ang mga sintomas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines