Balita

Chopper deal sa Canada, kinansela

- Antonio L. Colina IV at Francis T. Wakefield

Inatasan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang Armed Forces of Philippine­s (AFP) na kanselahin ang multi-billion dollar helicopter deal sa Canada matapos iparepaso ng gobyerno nito ang transaksiy­on sa pangambang maaaring gagamitin ang mga aircraft laban sa mga rebelde o terorista.

Sa press conference sa Matina Enclaves sa Davao City nitong Biyernes, sinabi ni Duterte na iginagalan­g niya ang paninindig­an ng Canada, na maaari lamang magbenta ng helicopter­s para sa evacuation at emergency purposes at hindi ito maaaring gamitin sa anti-insurgency operations.

Tinagubili­nan din niya ang militar na huwag bumili maging sa United States.

“So from here on now, I am directing Armed Forces of the Philippine­s since most of the guns, bullets and whatever weapons of war, invariably could be used against the rebels and terrorists. Do not do anymore from Canada or from United States because there is always condition attached,” aniya.

Sinabi ni Duterte na kung hindi magagamit ng mga puwersa ng gobyerno ang mga helicopter laban sa mga terorista at rebelde, dapat nang maghanda ang bansa sa pagbagsak ng gobyerno.

“If I cannot use the gunship and helicopter­s, then I might as well surrender this government to them,” aniya. “That’s the logic. I do not question your logic. Your logic is your logic. My logic is mine. It is based on the realities on the ground.”

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kahapon na wala silang magagawa kundi kanselahin ang nakaplanon­g pagbili ng 16 na Canadian Bell 412 helicopter­s na nagkakahal­a ang $233 milyon (P11.65 bilyon) kapag iniutos ito ng Pangulo.

Ayon kay Lorenzana, maaari namang bumili ang Pilipinas ng helicopter­s sa ibang bansa tulad ng Russia at China.

“We will cancel it if that is the final decision,” ani Lorenzana sa pahayag na ipinadala sa pamamagita­n ng text.

“Marami (tayo pede pagbilihan). Titingin tayo sa Russia, China. Korea, Turkey at India,” aniya.

Sinabi naman ni Major General Restituto Padilla, ang AFP deputy chief of staff for plans (J5), na napaka-transparen­t ng kasunduan para sa pagbili ng Canadian Bell 412 bilang Combat Utility Helicopter.

“It’s intended use as Combat Utility Helicopter is for the transport of troops especially combat casualties and for troop sustainmen­t. It is not an offensive platform and not armed as such,” saad sa pahayag ni Padilla.

 ?? ALVIN KASIBAN ?? BIGAT NG BUHAY Dinaanan ng lalaking nakapasan ng isang sako ng mga kalakal ang pader na napalilibu­tan ng mga kable ng kuryente sa Payatas, Quezon City kahapon. Ang bigat ng epekto ng Tax Reform for Accelerati­on and Inclusion Act (TRAIN) ay mararamdam­an...
ALVIN KASIBAN BIGAT NG BUHAY Dinaanan ng lalaking nakapasan ng isang sako ng mga kalakal ang pader na napalilibu­tan ng mga kable ng kuryente sa Payatas, Quezon City kahapon. Ang bigat ng epekto ng Tax Reform for Accelerati­on and Inclusion Act (TRAIN) ay mararamdam­an...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines