Balita

R20k alok sa Lumad na papatay ng NPA

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Nag-alok kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte ng P20,000 sa bawat Lumad na makakapata­y ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Ito ang reaksiyon ng Pangulo sa gitna ng panawagan ng mga Lumad na bigyan sila ng pamahalaan ng proteksiyo­n laban sa pagmamalup­it umano sa kanila ng rebeldeng grupo.

Ito na rin, aniya, ang kanyang sagot sa banta ni Communist Party of the Philippine­s (CPP) founder Joma Sison, na una nang nagpahayag na kaya ng NPA na pumatay ng isang sundalo kada araw kapag nagmatigas pa rin ang pamahalaan sa pagpapatul­oy ng nakanselan­g peace talks.

Sa press conference sa Davao City, inalok din ni Duterte ang mga indigenous people (IP) na sumailalim sa tatlongbuw­ang pagsasanay sa Citizen Armed Forces Geographic­al Unit (CAFGU) upang “magantihan ng mga ito ang mga pumatay sa kasamahan nilang katutubo”.

“Give me about three months, I will train them (IPs) as CAFGU and give them firearms and go out and hunt for those who killed their comrades. If you got one NPA, I will pay you. I’ll [give you] a reward,” pahayag ni Duterte.

Marami naman aniyang pera ang gobyerno at babayaran niya ng P20,000 bawat isa ang mga Lumad para tugisin at patayin ang mga kaanib ng NPA.

Matatandaa­ng iniutos ng Pangulo na tugisin ang mga miyembro ng NPA matapos na pormal na kanselahin ang peace talks sa mga komunista dahil sa umano’y ceasefire violations noong nakaraang taon.

Nitong Disyembre 2017, inihayag nina United Nations (UN) Special Rapporteur­s on the Rights of Indigenous Peoples and Internally Displaced People Victoria TauliCarpu­z at Cecilia Jimanez-Damary na nagkakaroo­n ng talamak na pangaabuso sa karapatang-pantao ng mga katutubo sa Mindanao.

Posible rin anilang lumala pa ang human rights violation sa komunidad ng mga Lumad sa Mindanao kasunod ng pag- apruba ng Kongreso sa pagpapalaw­ig ng martial law sa rehiyon hanggang sa matapos ang 2018.

 ?? TARA YAP ?? LAST NA ‘TO! ‘Tila ganito ang nais ipahiwatig ng mga turistang dumayo sa Boracay Island sa Aklan, kasunod ng banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasasara niya ang pangunahin­g tourist destinatio­n sa Pilipinas kapag nabigo ang Department of...
TARA YAP LAST NA ‘TO! ‘Tila ganito ang nais ipahiwatig ng mga turistang dumayo sa Boracay Island sa Aklan, kasunod ng banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasasara niya ang pangunahin­g tourist destinatio­n sa Pilipinas kapag nabigo ang Department of...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines