Balita

Sa ugali uga ako nai-in love hindi sa pisikal pis --Yam Concepcion

-

UUMAMIN U si Yam Concepcion na nagka-crush siya kay Paolo Ballestero­s noon kaya nagulat siya nang malaman ang sexual preference nito. Pero hindi pa rin naman daw nawala ang paghanga niya sa aktor dahil sa magandang ugali ? nito na M lalo pa niyang napatunaya­n nang magkasama sila sa pelikulang Amnesia Love.

At posible raw na ma-in love si Yam sa bading,.

“Oo naman. Pero never pang nangyari kaya madaling sabihin. Pero you can’t choose whom you love, basta nangyayari na lang bigla. Saka sa ugali ako nai-in love hindi sa pisikal. Kasi ‘yung physical nawawala naman.”

Biniro namin si Yam na baka may bahid ang karelasyon niya ngayon. “Ay, naku walang-wala, 150% straight,” mabilis niyang sagot.

Inamin ni Yam na tatlong taon na sila ng boyfriend niya pero magkahiwal­ay sila dahil sa Amerika naka- base at nagtatraba­ho sa Wellsfargo bilang financial adviser.

Wa la

pa silang planong magpakasal.

“Naku, walangwala pa, ipun- ipon muna,” saad ng dalaga.

At dahil sa Amerika naka-base ang boyfriend ay doon na rin mananatili si Yam kung sakaling ikasal sila.

“Ay, hindi naman, usapan namin six months dito at six months doon. Pero dito ko gustong magpakasal ayaw ko ro’n,” say ng dalaga.

Samantala, hindi pa naman naranasan ni Yam na magkaroon ng amnesia sa iilang lalaking naging bahagi ng buhay niya dahil lahat sila ay naaalala pa ng dalaga.

“Hindi nakakalimo­t ang pag- ibig para sa akin kasi kapag nasa puso mo ng tao, nandidiyan ‘ yan at hindi mo malilimuta­n,” say ni Yam.

Natuwa siya nang malaman niyang personal choice pala siya ni Paolo bilang leading lady dahil nabaitan at nakita na siya nito kung paano magtrabaho.

Una silang nagkasama sa pelikulang Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend kasama sina Dennis

Trillo at Anne Curtis at ipinalabas noong 2016.

Kuwento ni Yam, “Ang sarap niyang katrabaho as a leading man kasi hindi ka lang niya aalagaan but you know, aayusin niya ang hair mo,” sabay muwestra sa buhok niya, “so ganu’n siya.”

Saan siya mas komportabl­e, sa wholesome/ feel good movie o sa sexy roles?

“Kahit ano challengin­g para sa akin pa- sexy o feel good kasi sineseryos­o ko talaga ‘yung trabaho ko, inaaral ko kaya lahat ‘ yun challengin­g. Bawat project iba bawa’t character iba at pinagdadaa­nan.

“But of course, I’m more comfortabl­e of showing a little bit of skin dahil nga ‘yung pinagdaana­n ko, nagsimula ako sa isang adult drama na Rigodon (2012), siguro dahil do’n naging mas open ako na basta pasexy, go lang,” paliwanag ng dalaga.

Comedy-drama ang Amnesia Love na mapapanood na sa Pebrero 28 mula sa Viva Films mula sa direksyon ni Albert Langitan.

 ?? Yam ??
Yam

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines