Balita

KZ at Jessie J, nag-heart-to-heart talk

- Ni DIANARA ALEGRE Jessie at KZ

NNAMAYAGPA­G

at hinangaan ng mga dayuhan at lokal na manonood si KZ Tandingan sa

Singer 2018, isang internatio­nal singing competitio­n sa China nitong Biyernes.

Ito ang unang pagsabak sa patimpalak ni KZ at kaagad niyang nasungkit ang unang puwesto. Ito rin ang unang pagkakatao­n sa kasaysayan ng patimpalak na umalagwa agad sa rurok ang contender sa unang sabak pa lamang.

Tinalo ni KZ ang pito pang mga kilalang mang-aawit mula sa iba’t ibang bansa, kabilang ang British superstar na si Jessie J, na unang may hawak ng puwesto. Inawit ni KZ ang Rolling in the Deep ni

Adele, gamit ang kanyang estilong jazz at electronic­a.

Nanggulat din si KZ sa kalagitnaa­n ng kanyang pagtatangh­al nang mag-rap sa wikang Tagalog na hinangaan ng mga manonood at maging ni Jessie J.

Pagkatapos ng pagtatangh­al, ay nagkaroon ng pagkakatao­n sina KZ at Jessie J na makapag-usap at hayagang sinabi ng Pinay na iniidolo niya, mula pa pagkabata, ang superstar.

“When I was in high school I almost stopped singing because I couldn’t reach the high notes anymore because I had a polyp on my vocal chords and then I heard you and then I realized ‘Oh I didnt have to hit those high notes… so I started singing again,” ani KZ na pinipigila­n ang pagtulo ng luha.

“Who I am as an artist now, a big chunk of that is because of you,” pagmamalak­i niya kay Jessie.

Bilang ganti, niyakap naman siya ni Jessie J at binigyan ng payo.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines