Balita

Ika-67 labas

- R.V. VILLANUEVA

P

NGAYONG

halos ubos na ang baon ni Lagring, kailangang-kailangan nang makapagtra­baho siya. Pero patuloy siyang nabibigo.

Madalas, naiisip niyang bumalik na lang sa Mauwak. Pero paano kung sabihin ni Pedring: Umalis ka pa’y babalik ka rin pala.

Kahayup-hayupang Pedring ka! Hindi ako babalik. Mamatay na ako sa gutom sa bangketa, hindi na ako babalik sa Mauwak.

“Hindi ako bigo! Magtatagum­pay ako! Itaga n’yo yan sa bato!” Natutop niya ng isang palad ang bibig nang matuklasan niyang nag-iisa nga pala siya.

A, demonyong Pedring na ‘yon! Ang kaipaktu-impaktuhan­g Pedring na iyon!

MAY bagong kakilala si Lagring. Flower ang pangalan. Nakatira si Flower sa apartment sa tapat ng kuwartong inuupahan niya. Hindi pa naman sila close. Sa isang kaswal na pag-uusap, naidaing niya ang paghihirap na kanyang nararamdam­an.

“Hirap din pala dito sa Maynila!” Nasa boses niya ang totoong hirap na kanyang nararamdam­an.

“Namimili ka yata ng trabaho, e,” sabi ni Flower.

“Bakit? Sa’n ka na ba nag-aplay?”

“Kung saan-saan na. Tulad na lang ng inaplayan kong ‘sang opisina…janitor lang, di ako natanggap.”

Tawa si Flower. “Nakita mo, di namimili ka nga.” “Ako namimili?” “O, di ba? Kasasabi mo lang, sa opisina ka nag-aplay.”

Maganda si Flower. Pero sa tingin niya, nababawasa­n ng malaki ang ganda nito dahil sa sobrang dekorasyon sa mukha. Dahil sa paiba-ibang kulay ng buhok nitong ang gupit ay gupit-lalaki. Dahil sa masangsang nitong amoy na pinaghalon­g sigarilyo at kung anuanong pabango. Hindi siya nakakakita ng ganoong klaseng babae sa Bgy. Mauwak.

“E, sa’n ba ‘ko dapat mag-aplay?” naitanong niya.

Sinuri muna siya ng tingin ni Flower. Mula ulo hanggang paa. Mula paa hanggang ulo. “P’wede ka, Lagring. Um, angot ng pangalan mo. Kung palitan mo kaya?”

“Sa’n ako pwede? Trabaho ba ‘yon?”

“Sa ‘min. Tingin ko, tanggap ka ka’gad.”

Alam niya, sa beerhouse nagtatraba­ho si Flower. Noong hindi pa siyang nakakarati­ng Maynila, wala siyang alam kung ano ang beerhouse. Nang magpaliwan­ag si Flower, nalaman niyang ang beerhouse ay parang katulad lang ng kabaret sa may highway sa Bgy. Mauwak. Pero wala rin… wala rin naman siyang alam sa kabaret. Para sa mga babaeng Mauwak, nabanggit lang ang pangalang kabaret ay nandidiri na. “Talagang matatangga­pa ko do’n?” Naiisip niya, hindi maliit na halaga lang ang kinikita ni Flower. Kung maliit, paano ito makakabaya­d ng apartment? Paano makakabili ng mga gamit sa katawan? Ang mga damit ni Flower, kahit na sabihin pang kay-ikli at kakikipot ay tiyak na hindi sila mumurahin. Ang mga alahas (na peke daw sabi mismo ni Flower na may kakambal na malakas na tawa) ay alam niyang mamahalin. At maluho ang pamumuhay ni Flower batay sa nao-obserbahan niya.

Kahit na walang karanasan si Lagring sa siyudad at kahit na hindi pa siya nakakapaso­k sa beerhouse sa buong buhay niya, alam niyang hindi kabutihan ang magtrabaho doon. Iyon ay batay na rin sa ilang kaswal na pagkukwent­o ni Flower.

“O, bakit nawalan ka ng kibo?” tanong ni Flower. “Kung buo na ang sa loob mong magtrabaho sa beerhouse…i-a-aplay kita.” Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines