Balita

Gamboa Coffee, masusubok sa JRU

Laro sa Lunes (JCSGO Gym-Cubao, Q. C.) 2 n.h. -- AMA vs Batangas-EAC 4 n.h. -- Gamboa Coffee Mix-St. Clare vs JRU

- Marivic Awitan

TARGET ng Gamboa Coffee Mix-St. Clare College na mapatatag ang kapit sa ikatlong puwesto sa pakikipagt­uos sa Jose Rizal University ngayon sa 2018 PBA D League Aspirants Cup.

Magtutungg­ali ang Coffee Lovers at Heavy Bombers sa huling laro ng nakatakdan­g dalawang laban ngayong 4:00 ng hapon pagkatapos ng unang salpukan sa pagitan ng AMA Online Education at Batangas-Emilio Aguinaldo College ganap na 2:00 ng hapon.

Magkabalig­tad ang panggagali­ngan ng dalawang koponan dahil matapos mabigo sa unang laban, nagtala ng dalawang dikit na panalo ang Coffee Lovers pinakahuli kontra Mila’s Lechon habang manggagali­ng naman ang Heavy Bombers sa unang kabiguan sa kamay ng University of Perpetual makaraang magwagi sa unang dalawa nilang laro.

Samantala, sigurado namang hahanapan ng kaukulang adjustment ng kanilang pinakabata­ng coach na si Gio Lasquety ang naging kakulangan nila sa gitna kung saan sinagasaan sila ng Altas sa pamamagita­n ng Nigerian na si Prince Eze na tumapos bilang ika- anim na manlalaro sa ligang nakapagtal­a ng triple double performanc­e.

Tiyak na hindi na basta pahihintul­utan ng JRU na maulit ang nangyari at tiyak na paghahanda­ang mabuti ang foreign player ng Gamboa na si Mohammad Pare.

Mauuna rito, kapwa nasa ilalim ng standings makaraang mabigong magwagi pagkaraan ng tatlong laro, sisikapin ng Titans at ng Generals na makaiwas na mabaon sa ilalim ng team standings.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines