Balita

‘Basyang’ ngayon ang landfall sa Caraga

- Chito A. Chavez at Mike U. Crismundo

Itinaas kahapon ng Philippine Atmospheri­c Geophysica­l and Astmospher­ic Services Administra­tion (PAGASA) sa Signal No. 2 sa Surigao del Sur, habang 24 pang lugar ang apektado ng bagyong ‘Basyang’.

Tinaya ng PAGASA na maglalandf­all ang Basyang sa Caraga region ngayong Martes.

Sa weather bulletin ng PAGASA, isinailali­m naman sa Signal No. 1 ang katimugang bahagi ng Samar, katimugan ng Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Bohol, Cebu, Negros Oriental, Negros Occidental, Siquijor, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Camiguin, Compostela Valley, Davao Oriental, Davao del Norte, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Bukidnon, hilagang Zamboanga del Norte, at hilagang Zamboanga del Sur.

Sa report ng PAGASA, napanatili pa rin ng bagyo ang lakas nito at patuloy na tumatahak sa eastern seaboard ng Mindanao.

Huling namataan ang bagyo sa layong 570 kilometro sa silanganti­mog-silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur, taglay ang lakas ng hanging 65 kilometers per hour (kph) at bugsong 80 kph.

Babala ng ahensya, patuloy pa ring tinatahak ng bagyo ang kanluranhi­lagang kanluran sa bilis na 22 kph.

Kaugnay nito, iniutos na rin ang preemptive evacuation sa mga danger zone, lalo na sa mga coastal, flood at landslide-prone areas sa Surigao del Sur, Surigao del Norte, Agusan del Norte, Agusan del Sur at Butuan City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines