Balita

Isyu sa teritoryo muling pag-uusapan ng ‘Pinas, China

- Ni GENALYN D. KABILING

Magdadaos bukas ang Pilipinas at China ng susunod na serye ng bilateral dialogue sa Manila para solusyunan ang pag-agawan sa South China Sea.

Inaasahang babanggiti­n ng pamahalaan ang mga pangamba sa reclamatio­n works ng China sa mga pinagtatal­unang teritoryo sa ikalawang bilateral consultati­on mechanism (BCM) na dadaluhan ng mga kinatawan mula sa dalawang foreign ministries.

“We are not being soft on China. There are ongoing bilateral talks as far as contentiou­s South China Sea issues are concerned,” lahad ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque sa Palace press briefing.

“The purpose of this BCM is to discuss issues of concern to either side and cooperatio­n in the South China Sea and identify mutually acceptable approaches toward addressing these issues,” dugtong niya.

Sa tanong kung babanggiti­n ng gobyerno ang reclamatio­n activities ng China sa bilateral talks, sinabi ni Roque na: “All these issues relevant to South China Sea are being discussed in this mechanism.”

Nang tinanong kung balewala rin naman ang mga pagsisikap sa BCM dahil sa patuloy na military buildup ng China, sumagot si Roque na: “No, it’s being discussed seriously in the BCM.”

Binanggit ni Roque na nagprotest­a ang gobyerno hindi lamang dahil sa pagtatayo ng mga artipisyal na isla ng China kundi dahil sa diumano’y militarisa­syon sa mga lupaing ito sa pinag-aagawang teritoryo. “Therefore contrary to claims of critics, we have long protested the military use of the artificial islands in the South China Sea,” aniya.

Sinabi ni Roque na si Foreign Affairs Undersecre­tary for policy Enrique Manalo ang mamumuno sa delegasyon ng bansa sa bilateral dialogue sa China. Si Vice Foreign Minister Kong Xuanyou naman ang mangunguna para sa partido mula sa Beijing.

“The second meeting of this Philippine­China bilateral consultati­on mechanism on the South China Sea will be held in Manila tomorrow, Feb. 13,” aniya.

“We were busy last December and hence it was postponed for this month of February,” dugtong niya.

Ginanap ang unang bilateral meeting sa South China Sea sa Guiyang, Guizhou Province sa China noong Mayo 19, 2017.

Inistablis­a ang BCM sa South China Sea kasunod ng pagpupulon­g nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping sa pagbisita ng nauna sa China noong Disyembre 2016. Nagkasundo ang dalawang partido na salitang magpupulon­g sa China at Pilipinas kada anim na biwan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines