Balita

1 sa 2 ‘snatcher’ todas sa tandem

- Mary Ann Santiago

Tumimbuwan­g ang isang lalaking umano’y snatcher habang sugatan naman ang kasamahan nito matapos bistayin ng bala ng riding-in-tandem, habang minalas namang tamaan ng ligaw na bala ang isang bystander sa Port Area, Manila nitong Linggo ng hapon.

Dead on the spot si Melchor Ferreras, alyas “Nanak”, nasa hustong edad at walang permanente­ng tirahan, sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan, habang sugatan naman ang kasamahan niyang si Ronaldo Rosimo, 38, ng 12th Street, Port Area, nang mabaril sa pisngi.

Minalas namang tamaan ng ligaw na bala sa katawan si Jomar Kason, 31, taxi driver.

Sa imbestigas­yon ni PO3 Aldeen Legaspi, ng Manila Police District (MPD)- Crimes Against Persons Investigat­ion Section (CAPIS), dakong 5:45 ng hapon nang nangyari ang pamamaril sa Anda Circle malapit sa Old BIR Building.

Nakatayo sa lugar sina Ferreras at Rosimo nang dumating ang dalawang suspek na magkaangka­s sa motorsiklo, agad bumunot ng baril ang angkas bago pinaputuka­n nang maraming beses ang biktima.

Nakatakbo pa si Ferreras subalit hinabol siya ng mga salarin, at natamaan ng ligaw na bala sina Rosimo at Kason.

Batay sa pagsisiyas­at ng awtoridad, sinasabing kilabot umanong snatcher sina Ferreras at Rosimo, na kapwa kalalaya pa lang sa Manila City Jail (MCJ) nitong Enero.

Dinala ang bangkay ni Ferreras sa Archangel Funeral para sa awtopsiya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines