Balita

3 sa NPA napatay, 7 sumuko

- Nina FRANCIS T. WAKEFIELD at MIKE U. CRISMUNDO May ulat ni Freddie G. Lazaro

Napatay ng tropa ng pamahalaan ang isang platoon commander ng New People’s Army (NPA) at dalawa pang rebeldeng mandirigma sa magkahiwal­ay na engkuwentr­o sa Agusan del Sur at Abra, nitong Linggo.

Napatay sa bakbakan sa Sitio Vergara, Barangay Sta. Emelia sa Veruela, Agusan del Sur nitong Linggo ng hapon si Levi Amando Bangonan, alyas “King”, umano’y platoon commander ng Samahang Yunit Pangpropag­anda at guerilla-Front Committee 3 sa CPP-NPA Southern Mindanao Regional Committee (SMRC), habang hindi pa nakikilala ang kasamahan nitong napatay din.

Sinabi ni Capt. Rodolfo Cordero, tagapagsal­ita ng Civil Military Operations (CMO) ng 401st Infantry (Unity) Brigade, na hindi naman nila matiyak ang dami ng miyembro ng NPA na nasugatan sa nasabing bakbakan.

Narekober ng militar sa pinangyari­han ng engkuwentr­o ang walong backpack na may medical supplies, personal na gamit, dalawang improvised explosive device (IED), at mga subersibon­g dokumento.

Linggo ng umaga naman nang sumiklab ang bakbakan ng militar sa NPA sa Barangay Ud-udiao, Sallapadan, Abra.

Sa report ng 24th Infantry Battalion ng 7th Infantry Division ng Philippine Army (PA), dakong 7:30 ng umaga at nagpapatru­lya ang Charlie Company sa Sitio Mabongtot nang mangyari ang sagupaan.

Bigla umanong pinaputuka­n ng mga rebelde ang mga sundalo, na nauwi sa bakbakan.

Hindi pa nakikilala ang napatay na rebelde, habang nakasamsam naman sa lugar ng tatlong M16 rifle, isang carbine, at isang Icom radio.

Walang naiulat na nasaktan o nasawi sa panig ng pamahalaan.

Samantala, pitong kaanib ng NPA ang sumuko sa Northern Luzon sa Rizal, Cagayan nitong Sabado.

Hindi muna binanggit ang mga pangalan ng mga rebelde na boluntaryo­ng sumuko sa 7th Infantry Battalion ng 5th Infantry Division sa Rizal, Cagayan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines