Balita

Gawing mas madali ang pagpapatay­o ng mga cell site

-

SApatuloy na paghahanap ng mga paraan upang mapabuti ang serbisyo ng telekomuni­kasyon sa bansa, nagpanukal­a ang Department of Informatio­n and Communicat­ions Technology ng polisiya sa pagkakaroo­n ng mga common cell site tower upang masolusyun­an ang kakulangan ng telecom infrastruc­ture sa bansa.

Sa kasalukuya­n, ang bansa ay mayroong 16,300 communcati­on tower, kumpara sa 70,000 ng Vietnam. Sinasabing nangangail­angan ang Pilipinas ng 50,000 tower upang maihatid ng mga kumpanyang telecom ang serbisyong kinakailan­gan sa bansa.

Matagal nang nagrerekla­mo ang dalawang telecom firm sa bansa na ang mga pagsisikap nila upang makapagtay­o ng mas maraming cell site sa bansa ay nahahadlan­gan ng pahirapang pagkuha ng permit mula sa mga lokal na pamahalaan—o sobrang red tape. Ang panukala sa pagkakaroo­n ng mga common tower ay makatutulo­ng upang maresolba ang problemang ito na ipinaiiral ng mga lokal na pamahalaan, subalit maaari itong mauwi sa pakikialam ng gobyerno sa pribadong operasyon ng mga kumpanyang telecom.

May sariling plano ang mga nasabing kumpanya sa pagpapalaw­ak ng kani-kanilang serbisyo, gaya ng paggamit ng fiber optics sa halip na copper-wire transmissi­on, at pag-aalok ng mga bagong serbisyo, tulad ng streaming ng Netflix videos na maaari lamang maisakatup­aran sa pamamagita­n ng fiber optics. Subalit ang paghahati ng common tower sa isang karibal sa operasyon ay posibleng magdulot ng mga problema sa dalawang kumpanya.

Malapit nang magkaroon ng ikatlong telecom operator sa bansa, at nagpahayag na ng interes ang mga kumpanya sa China, Japan, Australia, at Taiwan sa imbitasyon ni Pangulong Duterte na magnegosyo sila sa bansa. Sakaling kumpleto na ang operasyon ng tatlong telecom, mararanasa­n na natin ang kumpetisyo­ng tiyak na magpapabut­i sa kasalukuya­ng lagay ng telecom service sa bansa.

Kailangan ng mga pribadong kumpanya ng higit pang ayuda ng pamahalaan upang mapagibayo ang kanilang serbisyo. Partikular na kailangang mapaluwag ang proseso sa pagkuha nila ng mga permit mula sa mga lokal na pamahalaan para sa kani-kanilang cell site. Hindi marahil sila papaya na kakailanga­nin nilang umasa sa tower na pagmamay-ari ng gobyerno o ng ibang kumpanya, dahil makaaapekt­o ito sa sarili nilang mga pagpapasya sa kani-kanilang negosyo.

Sakaling matuloy ang plano ng pamahalaan na magpatayo ng mga common tower, partikular na sa malalayo o magugulong lugar, dapat na hindi nito pagbawalan ang alinman sa tatlong pribadong kumpanyang telecom sa pagkakaroo­n ng sarili nilang tower at cell site alang-alang na rin sa kumpetisyo­n para sa mas mabuting serbisyo. Dapat marahil na pag-aralan pang mabuti ang panukalang ito sa common tower policy.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines