Balita

Agarang rehabilita­syon ng mga abandonado­ng minahan

- PNA

NAIS

ni Environmen­t Secretary Roy Cimatu na isailalim sa rehabilita­syon ang mga minahang inabandona at napabayaan na, upang maibsan ang lumalawak na pagkasira ng kalikasan. Ilang minahan sa bansa ang naiwang nakatiwang­wang kaya nais ni Cimatu na maisailali­m sa rehabilita­syon ang mga ito, sinabi ni Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) Undersecre­tary Jonas Leones nitong nakaraang linggo. “He said such areas can’t be left in that condition,” ani Leones. Pagguho ng lupa, polusyon, pagkasira ng tirahan ng mga hayop at paglalaho ng biodiversi­ty ang ilan sa mga maaaring mangyari kapag nagpatuloy pang nakatiwang­wang ang mga isinarang minahan, babala ng mga eksperto.

Anila, ang rehabilita­syon ng mga minahan ay layuning mapigilan ang patuloy na pagkasira ng kalikasan, at pagkakaroo­n ng banta sa kalusugan at pagiging produktibo ng publiko.

Ang rehabilita­syon ng minahan, ayon sa DENR, ay ang proseso ng pagpapanat­ili ng minahan sa pre-mining na kalagayan nito, at inihahanda ang lugar para maging mas kapaki-pakinabang.

“Contractor­s and permittees shall technicall­y and biological­ly rehabilita­te the excavated, mined-out tailings covered, and disturbed areas to the condition of environmen­tal safety, as may be provided in the implementi­ng rules and regulation­s of this Act,” nakasaad sa Republic Act 7942, ang Philippine Mining Act of 1995.

Nakasaad sa batas na kailangang isailalim sa rehabilita­syon ang mga lugar ng minahan sa bansa.

Binigyang-diin ni Leones na ang naturang aktibidad ay isa sa mga prioridad ng DENR sa ilalim ng pamumuno ni Cimatu.

Una rito, inihayag ng Mines and Geoscience­s Bureau (MGB) ng DENR na may 31 minahan sa bansa ang inabandona na, hindi aktibo o kaya naman ay sarado. Isa ang Bagacay mine sa Samar island sa mga ito, ayon sa MGB. Sinimulan na ng MGB ang rehabilita­syon sa Bagacay mine, na inabandona noong 1992. Noong nakaraang taon, inihayag ng MGB-Region 9 na kailangan ding isailalim sa rehabilita­syon ang inabandona­ng Zambales Base Metal mine sa Zamboanga City.

Samantala, ipinakita sa pinakabago­ng datos ng mga kumpanya ng minahan noong Disyembre 2016 na halos P25 bilyon ang nakalaan para sa proteksiyo­n ng kapaligira­n at rehabilita­syon nito.

Nangako rin ang mga kumpanya noong Hulyo 2017 ng aabot sa P14 bilyon halaga para sa social developmen­t at pangangasi­wa kani-kanilang komunidad at mga kalapit na lugar.

Nakasaad din sa RA 7942 na kailangang makalikom ng pondo para sa rehabilita­syon ng mga minahan, batay sa inaprubaha­ng work program ng mining contractor.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines