Balita

Mababawasa­n na naman ang teritoryo ng bansa

- Ric Valmonte

“KUNG

sinasabi ninyo akong diktador, talagang ako ay diktador. Kung hindi ako kikilos na parang diktador, walang mangyayari sa ating bansa. Iyan ang totoo,” sabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa dating komunistan­g rebelde na inimbitaha­n niya sa kainan sa Malacañang. Pero, sa Presidenti­al News Desk, ito raw ang sinabi ng Pangulo: “Kung hindi ako magiging diktador sa istilo ngayon, walang mangyayari sa ating bansa.”

Kailangan pa bang maging diktador para, bilang lider, ay mapatakbo mo ng mahusay ang gobyerno para sa ikabubuti ng lahat? Ang kailangan lang naman ay “leadership by example.” Nilinaw ito ni Mahatma Gandhi nang sabihin niya na “There goes my people, I will follow them because I am their leader”. Maging tapat ka sa iyong sinasabi at pairalin mo ang ipinangako mo upang pagkatiwal­aan ka. Hindi ko alam kung ano iyong tinuran ng Pangulo na nangyari sa ating bansa kung totoong diktador o naging diktador siya. Ikinaganda ba ng buhay ng mamamayan?

Totoo, nagkaroon ng katahimika­n sa ating bansa nang pairalin ng Pangulo ang kanyang war on drugs. Pero, naging pansamanta­la lamang. Kasi, ang pamamaraan ay hindi kinatigan ng sambayanan. Bakit nga naman nila papayagan ito, eh pinapatay sila. Samantalan­g iyong ilegal na droga, na siyang dahilan ng kanilang kamatayan, ay malayang pumapasok sa ating bansa. Malayang nakapasok sana iyong P6.4 billion na shabu dahil sa pamamaraan­g ginawa ng mga mataas na opisyal ng Bureau of Customs, pero sa halip na papanaguti­n sila sa batas, inilipat pa sila sa iba’t ibang mataas na pwesto. Hindi titigil ang pagpatay kung nakalilibr­e ang gumagawa o nagpapasok ng droga sa bansa. Bulto-bulto ang nasasabat na droga. 53 na naman ang napatay mula nang ang mga pulis ang magpatupad ng drug on war.

Tignan ninyo ang nangyari na sa West Philippine Sea. Malaki na ang nasakop ng China sa bahaging ito na, ayon sa UN Arbitral Tribunal ay ang bansa natin ang may kapangyari­han at karapatan nito. Ginawa na ito ng China na kanyang base militar. Ito ang ipinangako ni Pangulong Digong noong panahon ng kampanya na papasukin niya ito at itatanim ang bandila ng bansa. Nakipagsun­do na ang Pangulo sa China kung saan pauutangin ang bansa para sa pagsakop niya sa West Philippine Sea. Kapag nanatili ang kasunduang ito, hindi maglalaon at magiging Borneo ito. Malamang na hindi na natin makuha ito kung nakadepend­e ang pagsasauli ng China sa kanyang nasakop sa pagbayad ng kabuuang na utang natin sa kanya.

Kung naging diktador man ang Pangulo, ito ang magiging bunga, ang mabawasan na naman ng teritoryo ang Pilipinas. Eh hindi na naman natin mababayara­n ang utang.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines