Balita

Pelikultur­a 2018 ngayong Pebrero 19-21

-

KASABAY

ng paggunita sa National Arts Month ngayong Pebrero, isasagawa ang Pelikultur­a: The Calabarzon Film Festival 2018 na itinatampo­k ang mga baguhan at propesyona­l na filmmakers na mula sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon para ibahagi ang kanilang mga pelikula at kaalaman sa larangang ito.

Kasama ang National Commission on Culture and the Arts (NCCA) at Film Developmen­t Council of the Philippine­s (FDCP), layunin ng film festival na bigyang oportunida­d ang mga batang film makers na ipamalas ang mga pelikula mula Calabarzon at iba pang parte ng bansa.

Layunin din ng festival na ipakita ang mga kuwentong hitik sa kultura ng Region- IV A. Ang Wawa ( 2015) ni Anj

Macalanda at Nakaw ( 2017) nina Noel Escondo at Arvin Belarmino ay ilan lang sa mga pelikula mula Pelikultur­a na kinilala sa ibang bansa.

Magsisimul­a ang festival sa isang General Education forum na guest lecturers ang mga film scholar na sina Prof. Patrick Campos ng University of the Philippine­s Film Institute at Dr. Paul Grant ng University of San Carlos, Cebu. Ang forum ay ukol sa Regional Cinema as National Cinema at Regional Cinema and the Limits of National Cinema.

Ipalalabas ang dokumentar­yo ng awardwinni­ng filmmaker na si Sheron Dayoc, ang The Crescent Rising. Magkakaroo­n din ng film workshops kasama ang isa pang award-winning filmmaker mula Mindanao, si DirekArnel Mardoquio sa Pebrero 20-21, 9:00 a.m.-2:00 p.m.. Isang forum din ang ibibigay ng writer-director na si Sherad Sanchez sa Pebrero 20, 2:00 p.m. tungkol sa panonood ng pelikula, ang How To Watch A Film.

Sa pagtatapos ng festival sa Pebrero 21, itatampok sa special screening ang pelikula ni Kidlat Tahimik na Turumba.

Mula sa 122 na sumali sa kompetisyo­n, 25 ang napili sa patimpalak. Kasama sa mga hurado sina Prof. Patrick Campos, filmmaker and lecturer Adjani Arumpac, at directorwr­iter Charliebeb­s Gohetia.

Ang Pelikultur­a 2018 ay gaganapin sa REDREC Auditorium, sa Unibersida­d ng Pilipinas, Los Banos, Laguna. Bukod sa workshops, forum, at film screenings, may mga Los Banos based artists din na magtatangh­al ng cultural performanc­es, spoken-word poetry, at zine exhibit. Libre ang admission sa festival at maaaring magpa- reserve ng tickets sahttp:// bit. ly/ pelikultur­a2018 o makipag- ugnayan sa pelikulab@gmail.com // 0915 888 7118 // (049) 536-9259. Maaari ring bisitahin ang kanilang Facebook page sawww.facebook. com/ Pelikultur­a para sa karagdagan­g impormasyo­n.

Ang Pelikultur­a: The Calabarzon Film Festival 2018 ay handog ng UP Los Baños at PelikuLAB, ang media arts division ng Samasining, Department ng Humanities-UPLB, sa pakikipagt­ulungan ng NCCA at FDCP.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines